Una sa Balita

Right of way tinayuan ng open roof deck

By
0 459

Dear Atty. Claire,

Good day po! Sana po ay matulungan niyo kami sa aming problema.

Legal po bang tayuan ng 2-storey structure with open roof deck ang right of way (eskinita) na may sukat na 12m x 2m sa gilid namin na nakadugtong sa likod ng main building? Ginagawa itong tambayan, sampayan, at inuman ng mga te­nant ng main buil­ding at itinatapon nila ang lahat ng klaseng basura sa bubungan namin.

At pag nabarahan po ang gutter at downspout namin ay bigla na lang sasabog ang tubig-ulan sa loob ng aming bahay na siyang nagiging dahilan ng pagka-damage ng aming mga property — nababasa, inaanay at pati mga electrical wiring ay pumutok na noong 2011.

Since 2008, anim na beses na po itong nangyari at ang latest po ay last June 21, 2016. Tatlong beses na pong nag-amicable settlement. ‘Yung bagong lipat na te­nant na siga sa aming lugar ay tinakot pa ako noong June 26, 2016, na kundi ako tumahimik ay sasampalin daw niya ako.

Paano po ang mangyayari sa amicable settlement namin sa barangay? Paano po kaya ang dapat gawin sa lalaking nananakot sa akin?

Gumagalang,
Mr. Renato

Mr. Renato,

Unang-una po, hindi maaaring magpagawa ng anumang istraktura sa isang right of way. Ang right of way po ay dapat na walang sagabal dahil nagsisilbing daanan ito.

Kung iyan ay isang eskinita, hindi papayagan ng Enginee­ring Department ng lungsod o munisipyo na makapagtayo ang sinuman ng buil­ding sa isang daanan. Iligal ang pagpapatayo ng istraktura sa nasabing lugar kung walang building ­permit.

Maaari mo silang isumbong sa Engineering Department upang magsagawa ng in­speksiyon sa lugar. Kapag napatunayan na wala silang building permit at occupancy permit, maaari silang kasuhan ng paglabag ng National Building Code.

Tungkol naman sa amicable settlement, maaari kang magsumite ng motion to execute sa barangay para ipatupad ang napagkasunduan sa loob ng anim na buwan mula sa panahon na nagkasundo o mula sa panahon na dapat na ginawa ang napagkasunduan.

Kapag lumipas na ang anim na buwan, maaari ka nang magsampa ng kaso sa korte ng Action to Enforce the Decision based on the agreement upang mapatupad ang naging usapan sa barangay.

Sa nananakot sa iyo, dumulog ka sa barangay upang sampahan siya ng reklamong threats o kaya ay unjust vexation depende sa sitwasyon. Huwag pairalin ang takot dahil lalo ka lang nilang tatakutin.

Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 410-7624 o 922-0245, o mag- email sa attorneyclaire2015@gmail.com.