Una sa Balita

Riezel pangarap makatrabaho ang KathNiel

By
0 60

Ang pambato ng Makati City na si candidate #8 Riezel Pegalan, may taas na 5’5 at sukat na 33-26-35 para sa Abante Babe, Ganda Mo, Teh!

Ang 21 years old na si Riezel ay college undergrad sa kursong BS HRM sa University of Makati at naniniwalang dapat i-enjoy ang buhay habang bata pa.

Pangalawang pa­geant ito ni Riezel, ang una ay Bikini Fa­shion Show kunsaan 1st runner-up siya at isa rin siyang freelance talent ng ABS-CBN at GMA kunsaan lumbas na siya sa Kambal, Karibal.

“Be a professio­nal make-up artist,” ang pakli ni Riezel sa tanong kung anong career ang gusto niyang tahakin, since ­hobby at magaling siyang mag-makeup.

Kung bibigyan ng chance na mag-artista, pangarap ni Riezel na makatrabaho sina Kathryn at Daniel, “Since 12 years old pa po ako, love ko po ang love­team nila, kinikilig po talaga ako sa kanila.”

Sa mga gustong sumali para maging Abante Babe para sa buwan ng September, ipadala ang inyong close up at whole body picture, biodata sa roldancastro2015@gmail.com, 18 to 28 years old, 5’3” pataas.

Para naman bumoto, gupitin article na ito (Riezel Pegalan, Abante Babe #8, 70% ang katumbas) at lakipan ng logo ng Abante na may petsa, lagyan ng pangalan ng nagpadala, address at telepono.

May sorpresang premyong nakalaan sa mabubunot na Abante rea­der buwan-buwan at may tsansa na makapanood sa grand coronation. Ipadala ito sa Abante office sa 3rd floor Karrivin Plaza Buil­ding, 2316 Chino Ro­ces ­Avenue Extension, Makati City. Puwede ring sumadya sa opisina at ihulog sa drop box.

Mahigpit na ipinagbabawal na lumahok ang mga empleyado at kamag-anak ng PRAGE Management Services hanggang sa second degree of consanguinity.

Puwede ring mag-like online sa kanyang photo para sa karag­dagang puntos (30%). Bisitahin ang Abante Facebook Page, AbanteTNT sa Instagram. Para masilip ang iba pang larawan ni Riezel Pegalan, dumalaw sa website na www.abante.com.ph.