Una sa Balita

Riding-in-tandem sa Antipolo may P100K patong sa ulo

0 44

Handang magbigay ng pabuya ang Pamahalaang Lungsod ng Antipolo para sa makakapagturo sa mga suspek na riding-in-tandem na namaril sa dalawang dalaga sa magkaibang barangay.

Sa pahayag na inilabas ni Mayor Jun Ynares, sinabi nito na mahigpit niyang kinokondena ang mga ganitong gawain.

Magbibigay ng P100,000 na pabuya ang pamahalaang lokal sa kung sino man ang makakapagbigay impormasyon tungkol sa pagkakakilanlan ng mga suspek sa pamamaril upang matigil na ang ganitong krimen at mabigyan ng hustiya ang mga biktima at kanilang pamilya.

Nabaril ng anim na beses sa ulo si Bernadette Macam, 26-anyos at dating nagtuturo sa ICCT College pagkatapos siyang nakawan ng dalawang riding-in-tandem sa Sitio Peñafrancia, Barangay Cupang.

Bukod kay Macam nabaril din ng riding-in-tandem si Ann Janeth Francia sa mukha, 23 taong gulang at isang guro sa Jesus Cabarrus Elementary School, habang bumibili sa tindahan sa Sitio Tanza, Barangay San Jose.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng Antipolo PNP sa nasabing mga insidente.