Una sa Balita

Riding-in-tandem na snatcher dinakma sa cara y cruz

By
0 944

INARESTO ng mga tauhan ng Alvarez Police Community Precinct, ang dalawang riding-in-tandem habang nagsusugal ng cara y cruz, ilang oras matapos agawan ng cellphone ang isang Tsinoy, kamakalawa nang hapon sa Sta. Cruz, Maynila.

Nakumpiska rin ng mga tauhan ni Manila Police District-Police Station 3 station comman­der P/Supt. Julius Cesar Domingo ang dalawang .22 kalibre baril at dalawang sachet ng shabu sa mga suspek na sina Jo­shua Mabanag, 21, taga-Natividad St., Sta Cruz; at Michael Angelo, 26, taga-Quiricada, Tondo.

Ayon kay Domingo, dakong alas 10:15 nang umaga nang agawan ng cellphone ng mga suspek na riding-in-tandem ang biktimang si Jeffrey Sy, taga-1125 Kusang loon St., Sta. Cruz, Maynila, habang nakaupo sa labas at nagti-text sa may T. Mapua St., malapit sa D. Jose St., Sta. Cruz.

Kaagad naman nagreklamo sa MPD-PS3 ang biktima at ti­ningnan ang CCTV kung saan nakilala ang mga suspek kaya kaagad nitong inatasan ang mga tauhan na magsagawa ng follow-up operation.

Sa pamamagitan ng impormasyong ibinigay ng pulis asset, natunton ang mga suspek sa may Kalimbas St. corner San Lazaro St. na nagsusugal ng cara y cruz.