Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Rider utas sa ‘killer highway’

0 124

Nasawi ang isang motorcycle rider matapos araruhin ng truck na nawalan ng preno sa tinaguriang ‘killer highway’ sa Atimonan, Quezon, Linggo ng tanghali.

Dead-on-arrival sa ospital ang biktimang si Edgar Luna, 36 anyos, residente ng Quezon City matapos na magtamo ng grabeng pinsala sa buong katawan.

Ayon sa Atimonan police, sinalpok ng kasalubong na aluminun wing van na minamaneho ng isang nakilala lamang sa pangalang Drandreb ang motorsiklo nito sa pababang bahagi ng Maharlika highway diversion road sa Brgy. Angeles.

Batay sa imbestigasyon, nawalan ng preno ang truck na patungo sa Bicol at iniwasan ng driver nito na sumalpok sa sinusundang isa pang tuck kaya kinabig nito ang sasakyan patungo sa kabilang linya.

Hindi na nakaiwas ang motorsiklo na pumailalim pa sa truck na nagpatuloy pa ang pagbulusok sa palusong na kalsada.

Nasugatan din ang pahinente at ang truck driver, na ngayon ay nakadetine sa Atimonan police station para masampahan ng kaso. (Ronilo Dagos)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.