Una sa Balita

Rider tumilapon kay kamatayan, 2 angkas nabuhay

0 323

NASAWI ang isang 25-anyos na lalaki habang sugatan ang dalawang angkas nito nang ­tumama sa isang bakal na halang sa Imus City, Cavite.

Dead on the spot ang driver ng isang ­Yamaha Mio Soul na si Rholen Brett Ting ng ACM Homes Anabu 2 Imus City, Cavite habang ginagamot sa isang ospital ang ­angkas nitong si Carlo Alcantara, 24 nang nasabi ring lugar at Mary Elaine Nato, 23 ng Anabu 1-A Imus City Cavite.

Sa ulat ng Imus City Police, alas-4:30 ­kahapon ng madaling araw ng naganap ang insidente kung saan nagmamaneho ang ­biktima angkas ang dalawa pa sa Aguinaldo Highway Anabu 2, Imus City Cavite.

Pagsapit sa tapat ng Furniture Republic sa nabanggit na lugar ay tumama ang ­gulong ng motorsiklo sa isang bakal na halang sa kalsada dahilan upang tumilapon ang tatlo na ­nagresulta sa agarang kamatayan ni Ting habang ang mga angkas nito ay isinugod sa ospital.

(Gene Adsuara)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy