Una sa Balita

Rider tumawid sa umapaw na ilog, nalunod

0 505

PinaniniwalAang na­sawi sa pagkalunod ang isang lalaki nang tangayin siya ng mala­kas na agos ng ilog kasama ang kanyang motorsiklo matapos nitong pi­liting tawirin ang umapaw na ilog na kumukunekta sa Poblacion Ilaya at Sitio Siding, Barangay Quina­­t-uyan sa bayan ng Maayon, Capiz.

Pinaghahanap sa kahabaan ng ilog ang katawan ng biktimang nakilalang si Dioluo Agam, 27-anyos, residente ng Sitio Siding ng nabatid na bayan.

Sa ulat ng pulisya, alas-5:52 nang hapon nitong Lunes nang pi­liting tawirin ng biktima sakay ng kanyang motorsiklo ang umapaw na ilog para makauwi ito sa kanilang bahay.

Subalit hindi pa na­ngangalahati sa pagtawid ay tinangay na ito ng malakas na agos ng ilog pati ang kanyang motorsiklo hanggang mapunta sa malalim na parte ng ilog at tuluyang lumubog.

Agad namang nagsagawa ng joint rescue operation ang mga miyembro ng Maayon Municipal Police Station, Bureau of Fire Protection at Emergency Res­ponse Team subalit tanging ang motorsiklo lang ang kanilang narekober sa ilog habang bigo silang matagpuan ang katawan ng biktima dahil sa lakas ng agos ng ilog. (Edwin Balasa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More