Una sa Balita

Rider todas sa trak

0 192

NASAWI ang isang rider nang salpukin ang sinasakyan nitong motorsiklo ng humahagibis na dump truck sa Valenzuela City kamakalawa nang gabi.

Binawian ng buhay habang tinatakbo sa V­alenzuela Medical Center ang biktimang si John Paul Diolola, 24-anyos, merchandizer, ng Brgy. Paso De Blas ng nasabing lungod, sanhi ng tinamong pinsala sa katawan.

Tumakas naman ang driver ng trak matapos ang banggaan.

Sa report ng Vehicl­e Traffic Investigation Unit ng Valenzuela P­olice, dakong alas-10:30 nang gabi nang maganap ang aksidente sa northbound lane ng MacArthur Highway, Brgy. Marulas Valenzuela City.

Minamaneho ni D­iolola ang kanyang motorsiklong may plakang BA 80393 nang masalpok ng rumaragasang dump truck na nasa kaparehong linya sa tapat ng Our Lady of Fatima University Hospital sa Brgy. Marulas.

Sa lakas ng tama ay tumilapon mula sa motor ang biktima at pumailalim sa trak saka nagulungan ng gulong nito.

Nakuha naman ng mga nakasaksi sa insidente ang temporary license plate ng dump truck na MV File #-1301-0000638786 at kasalukuyan nang pinaghahanap ang driver nito ng mga pulis. (Orlan Linde)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy