Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Rider todas sa poste ng Meralco

0 212

Agad na nasawi ang isang rider nang bumangga ang minamaneho nitong motorsiklo sa poste ng Meralco sa GMA, Cavite, Linggo ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Wilchard Condes Abangan, residente ng Block 9, Excesa Lot, Brgy. Anahaw 1, Bulihan, Silangn Cavite.

SM food to go Banner Ad

Sa ulat ni PSMSgt Roy Poblete ng GMA Municipal Police Station, dakong ala-1:55 ng hapon nang nang naganap ang aksidente kung saan binabagtas ng rider ang kahabaan ng Mindanao Avenue nang nawalan umano ito ng kontrol sa kanyang manibela at sumalpok sa poste ng Meralco.

Dahil sa lakas ng kanyang pagkakabangga, pumanaw ang biktima sa pinangyarihan ng aksidente. (Gene Adsuara)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.