Una sa Balita

Rider todas nang banggain ng van

0 279

Patay ang isang rider ng motorsiklo matapos makasalpukan ang isang pampasaherong van sa kahabaan ng Strong Republic Nautical Highway sa Brgy. Nabuslot, Pinamalayan, Oriental Mindoro noong Biyernes nang gabi.

Batay sa imbestigasyon ng P­inamalayan Municipal Police Station, patungong Brgy. Poblacion ang motorsiklong minamaneho ng menor de edad na si Aldwin Caporal, 16-anyos; habang ang van ay patu-ngo naman sa bayan ng Socorro.

Mabilis umano ang patakbo ng parehong mga sasakyan at pagdating sa Nabuslot Central School ay nagkaroon ng head-on collision ang dalawang sasakyan.

Sa lakas ng pagkakasalpok, nasira ang bumper ng van habang nagkawasak-wasak naman at nadurog ang motorsiklo ni Caporal.

Tumilapon ang sasak-yan si Caporal at agad na isinugod sa Calapan City Provincial Hospital ngunit binawian rin ng buhay kahapon nang umaga.
Wala namang nasaktan sa mga sakay ng van.

Samantala, idinetine muna ang driver ng van na si Jonathan Leal Gamilla sa Pinamalayan Municipal Police Station habang hinahanda ang posible niyang kaharaping kasong reckless imprudence resulting to homicide and damage to pro-perty. (Paul J­aysent Fos)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy