Una sa Balita

Rider tigok sa salpukan ng motor at bus sa La Union

By
0 1,265

PATAY ang isang motorcycle rider matapos itong humampas sa kabanggaang pampasaherong bus sa National Highway ng Barangay Masupe, Balaoan, La Union kamakalawa.

Kinilala ng Balaoan Police Station (BPS) ang biktimang si Michael Pugat, ng Barangay Nalasin ng nasabing bayan.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na biglang nag-overtake si Pugat sa sinusundan nitong sasakyan kaya bumulaga sa kanya ang kasalubong na bus na minamaneho ni Manolito Montero, ng San Vicente, Ilocos Sur.

Humampas si Pugat sa harap ng bus at tumilapon ilang metro mula sa pinangya­rihan ng insidente.

Nagtamo ng malalalim na sugat sa ulo at katawan ang biktima dahilan upang mamatay bago dumating sa ospital.