Una sa Balita

Rider tepok sa Baguio fly-over

By
0 1,390

Patay ang isang lalaki matapos malaglag ang minamanehong motorsiklo sa isang fly-over sa Magsaysay, Baguio City noong Biyernes ng gabi.

Kinilala ng Baguio City Police Office (BCPO) ang biktima na si Francis Ducusin Ortega, 24-anyos, ng Bacbacan, Asin Road, Tuba, Benguet.

Sa inisyal na im­bestigasyon, tinatahak ni Ducusin ang fly-over ng Magsaysay nang mawalan ng preno ang kanyang motorsiklo kaya nawalan ito ng kontrol sa manibela dahilan upang su­malpok sa barikada at mahulog sa fly-over na may lalim na 20-feet.