Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Rider sinalpok ng van sa u-turn

0 118

AGAD nalagutan ng hininga ang isang motorcycle rider nang bumangga ang minamanehiong motorsiklo sa isang Isuzu van na nag-u-turn sa Dasmarinas City, Cavite.

Kinilala ang biktima na si Raul Gutierrez Jr., 38, habang hawak na ng pulisya ang driver ng Isuzu Elf na si Wilfredo Bianson, 53.

Sa ulat ni Corporal Norman Guerra, ng Dasmarinas City Police Station, alas-3:00 kamakalawa ng hapon nang naganap ang aksidente sa Aguinaldo Highway kanto ng Antipolo St., sa Brgy Sampaloc 2, Dasmarinas City, Cavite. Binabagtas ng dalawang sasakyan ang Aguinaldo Highway galing sa South bound patungo sa direksiyon ng North bound (Imus-Manila ) pero nauna ang minamanehong Izusu Elf ng suspek.

Pagsapit sa kanto ng Antipolo St., mag-u-u-turn sana ang sasakyan ng suspek pero hinintay niya munang makadaan ang isang passenger bus. Paglagpas ng bus at saka ito nag-u-turn na siya namang pagdating motorsiklong Suzuki Smash ng biktima at bumangga sa Elf.

Sa lakas ng impact, tumilapon ang biktima na nagresulta sa kanyang agarang kamatayan. (Gene Adsuara)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.