Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Rider semplang sa nakabalandrang metal plate sa kalsada

0 255

INOOBSERBAHAN ngayon sa ospital ang isang 32-anyos na rider nang nawalan ng kontrol sa kanyang manibela at bumulusok ang katawan nito dahil sa metal plate na nakalagay sa kalsada sa Cavite City Martes ng madaling araw.

Isinugod sa Bautista Hospital ang biktimang si Al Christian Nicolas, binata, ng 962 R. Basa St., Brgy 54M, San Roque, Cavite City dahil sa mga sugat sa katawan.

Sa ulat ni PSSgt Armangel Genuino, ng Cavite City Police, minamaneho ng biktima ang blue na motorsiklong Yamamha Mio i125 habang binabagtas ang P. Burgos Avenue Caridad, Cavite City alas-12:30 kahapon ng madaling araw nang hindi nito napansin ang nakalatag na metal plate sa kalsada.

Dahil dito, nawalan siya ng kontrol at bumulusok ang katawan nito sa kalsada dahilan ng grabeng sugat sa katawan. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.