Una sa Balita

Rider patay sa motornapper

0 382

PATAY ang isang rider matapos barilin nang manlaban sa pag-agaw ng kanyang motorsiklo ng dalawang suspek na riding-in-tandem, kahapon nang madaling-araw sa Sampaloc, Maynila.

Idineklarang dead-on-arrival sa UST Hospital ang biktimang si Jansen Esteban Y Punsalang, private emplo­yee at residente ng Sampaloc.

Habang tumakas naman ang dalawang suspek na ang driver ay nasa katamtaman ang pangangatawan at ang gunman naman ay med­yo mataba, naka-sleeveless na t-shirt na puti at red gear.

Sa imbestigasyon ng Manila Police District- Homicide Section, alas- 2:30 nang madaling-araw nang maganap ang insidente sa panulukan ng Dapitan at Algeciras Sts., Sampaloc.

Sakay umano ang biktima ng kanyang Nmax Yamaha na kulay gray at habang tinatahak nito ang kahabaan ng Dapitan St. pagsapit sa Algeciras, nang sapilitang kunin ang kanyang motorsiklo at nang tumangging ibigay ay pinagbabaril ito ng suspek, hanggang sa tumakas ang dalawa na tangay na ang motorsiklo.

Naisugod naman ang biktima pero hindi na umabot nang buhay sa pagamutan dahil sa mga tama ng bala sa katawan.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya at inaalam kung nahagip ng CCTV sa lugar ang pangyayari.

Dinala ang bangkay ng biktima sa Cruz funeral para sa awtopsiya. (Juliet de Loza-Cudia)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More