Una sa Balita

Rider patay, 1 sugatan sa banggaan ng motorsiklo, van

0 274

PATAY ang isang rider habang sugatan ang kanyang angkas, makaraang mabangga ang sinasak­yan nilang motorsiklo sa Valenzuela City, kahapon nang madaling-araw.

Dead on-the-spot ang biktima na si Roldan Ca­pillo, 33, binata, naninirahan sa Area 6, Purok 4, Barangay Maysan ng nasabing lungsod.

Nagtamo ito ng pinsala sa ulo at katawan na siya nitong ikinamatay.

Nakaratay sa Valenzuela City Medical Center ang back rider na si Rodel Corpin, nasa hustong gulang, kapitbahay ni Capillo, sanhi ng mga sugat sa katawan at braso.

Sa ulat ng Vehicle Traffic and Investigation Unit (VTIU) ng Valenzuela Police, dakong ala-1:30 nang madaling-araw nang mangyari ang insidente sa kahabaan ng Maysan Road, Mac Arthur Highway corner M. Antonio Street, Maysan, Valenzuela City.

Nasa kanang linya ang mga biktima sakay ng motorsiklong Yamaha Sporty na may plate number 9684-BH na minamaneho ni Capillo.

Pagliko sa M. Antonio St., nabundol sila ng Isuzu van (plate no.WQB-787) na minamaneho ng suspek na si Christian Idava, 26, residente ng Sulukan St., Bubulong Malaki, San Ildefonso, Bulacan.

Sa lakas ng pagkakabundol, tumilapon ang da­lawa kung saan tumama ang ulo ni Capillo sa semento. Dumating ang rescue team at dinala sa nasabing pagamutan si Corpin.

Sumuko si Idava at kinasuhan ng reckless imprudence resulting in homicide, physical injuries at da­mage to property. (Orlan Linde)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy