Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Rider nanuhol sa checkpoint, timbog

0 31

KULUNGAN ang bagsak ng 28-anyos na lalaki nang tangkaing manuhol sa isang pulis na nasa checkpoint makaraang sitahin sa dala nitong motorsiklo sa Brgy. Addition Hills, Mandaluyong City.

Nahaharap sa kasong corruption of public official ang suspek na si Edmond Gutierrez, timekeeper ng Mandaluyong City.

Inaresto ang suspek alas-9:00, Lunes ng gabi, sa kahabaan ng Nueve De Pebrero matapos sitahin ng mga tauhan ng sub-station 2 na nagsasagawa checkpoint operation.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Hinarang ni PCpl. Jovir Balmes ang suspek dahil walang plaka ang kanyang minamanehong Yamaha NMAX, nang walang maipakitang lisensya si Gutierrez, dito na siya binigyan ng tiket dahil sa paglabag sa No Plate No Travel Policy.

Pero habang nagsusulat si Balmes ay nagbigay ng lisensya ang suspek at nang beripikahin ay nalamang peke ito kaya nagsimula diumanong manuhol ng P200 ang suspek na ikinairita ng pulis at tinuluyang kasuhan si Gutierrez.

Kasalukuyang nakakulong si Gutierrez sa Mandaluyong detention cell. (Vick Aquino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.