Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Rider nagulungan ng dump truck

0 111

NASAWI ang isang rider habang sugatan ang angkas nito nang nawalan ng balanse ang minamanehong motorsiklo matapos masagi ng isang dump truck at nagulungan pa sa Kawit, Cavite Lunes ng gabi.

Hindi na umabot ng buhay sa Las Pinas District Hospital ang biktimang si Eleazar Gulfo Agaraw, nasa wastong edad habang sugatan ang angkas nitong si Orlando Pongon Velche.

Pinaghahanap naman ang driver ng pulang HOWO dump truck na minamaneho ni Kenneth Mariano.

Sa ulat ni PMSgt Erwin Clerigo, ng Kawit Police Station, minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo at angkas nito si Velche habang dump truck naman ang suspek na kapwa bumabagtas sa Covelandia Road, Brgy Kaunlaran, Kawit patungong Bacoor City alas-7:30 kamakalawa ng gabi.

Okupado ng biktima ang rightmost ng kalsada habang sa outer lane naman ang driver ng dump truck nang masagi ng sasakyan ng huli dahilan upang dumulas ang biktima at nagulungan ng dump truck.

Imbes na tulungan, tumakas at iniwan ng suspek ang kanyang dump truck. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.