Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Rider nagpanggap na parak sinelda

0 226

Kalaboso ang isang rider ng motorsiklo nang masita ito sa checkpoint at magpakilalang pulis sa Malabon City, Martes ng gabi.

Kinilala ang suspek na si Presius Corrales, 27, online seller may live-in partner, naninirahan sa Brgy. NBBS Proper, Navotas City.

Sa imbestigasyon ng Malabon Police, alas-9:20 ng gabi, nagsasagawa ng checkpoint ang mga tauhan ng Sub-Station 6 sa C-4 Road corner Leano Street, Brgy. Taniong.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sakay ng kanyang motorsiklo saktong dumaaan ang suspek at bilang special operation procedure (SOP) kaugnay sa ipinatutupad na safety protocol ng gobyerno sanhi ng COVID-19, sinita ito ng mga pulis dahil walang quarantine pass.

Dito na nagpakilalang pulis si Corrales at sinabing naka-assign ito sa District Special Operation Unit (DSOU) ng Northern Police District (NPD). Nakita rin umano ang nakasukbit na baril sa bewang nito.

Hinanapan ng mga parak ng ID ang suspek pero wala itong naipakita kaya kinumpiska ang Armscor Cal.45 nito na may serial number M-1911-AIFS, saka dinala sa presinto.

Kinasuhan ng Usurpation of Authority at paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Law on Fire Arm and Ammunition si Corrales. (Orlan Linde)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.