Una sa Balita

Rider nabalian ng buto matapos sumalpok sa kasalubong na van

By
0 3,608

SUGATAN ang isang 59-anyos na rider matapos na sumalpok sa kasalubong na L300 van noong hapon ng Sabado, Abril 21, sa bahagi ng Tablas Circumferential Road sa ­Sitio Cogon, Barangay Limon Norte, Looc, Romblon.

Kinilala ang rider na si Isabelo Labor Loquias, court employee at residente ng Odiongan, Romblon.

Ayon sa spot report ng Looc Municipal Police Station (MPS), alas-3:30 ng hapon, patungo sana ng Odiongan, Romblon si Loquias sakay ng kanyang motorsiklo nang makasalubong nito ang L300 van na pagmamay-ari naman ng isang ­simbahan.

Kumabig umano sa kabilang linya si Loquias kaya nasalpok nito ang van na minamaneho naman ni Pastor Henry Corcuera Herrera ng Tablas Baptist Church.

Tumilapon si ­Loquias at nahulog sa kanal.

Nagtamo ng mga sugat at baling buto sa iba’t ibang bahagi ng katawan si Loquias samantalang ligtas naman si Herrera at ang kanyang 3 sakay.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy