Una sa Balita

Rider na walang helmet nasita pa sa marijuana

By
0 386

Dahil sa walang suot na helmet, kalaboso ang isang rider nang makuhanan ng pinatuyong dahon ng marijuana sa wallet makaraang masita sa checkpoint sa Malabon City kamakalawa nang umaga.

Kinilala ang naarestong si John Carlo Flor alyas ‘Toytoy’, 21, surplus vendor, taga-49 B, Del Rosario St., Merville Subd., Brgy. Dampalit.

Sa report, alas-11:00 nang umaga, nagsasagawa ng Oplan Sita ang mga operatiba ng District Mobile Force Battalion sa kahabaan ng Don Basilio Bautista Blvd. corner M. Sioson St., Brgy. Dampalit, Malabon City nang dumaan ang suspek sakay ng kanyang motorsiklo kaya nasita ito ni P01 Dela Paz dahil walang suot na helmet.

Hiningi ng pulis ang driver’s license ni Flor pati ang papeles ng motor.

Pagkuha ng suspek sa wallet para ibigay kay P01 Dela Paz ang lisensiya ay nakitang isang plastic sachet ng marijuana ang nakaipit kaya ito dinakip.

Kinasuhan ng Violation of R. A. 9165 si Flor.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy