Una sa Balita

Rider na walang helmet, kinalawit ni kamatayan

By
0 2

Matulin ang takbo at walang suot na helmet ang isang rider kaya nasawi matapos makabanggaan ang isang pampasaherong dyip sa kahabaan ng Manila-Cavite Road, Barangay 8, Dalahican, Cavite City.

Napag-alaman mula sa Cavite City Component Police Station, alas-otso ng gabi kamakalawa nang maganap ang aksidenteng kumitil sa buhay ni Alden Advincula y Corral, 30, ng 781 Rest Heaven St., Barangay 7 Dalahican, sa nasabi ring lungsod.

Sakay ng minamanehong Suzuki Shogun 125 (QZ 3234) ang biktima nang makasalpukan ang dyip na may plakang DXN 691 na minamaneho ni Eder Felizardo y Marquez, 47, ng 215 San Juan St., Brgy 11, Sta Cruz, sa nabanggit pa ring lungsod.

Duguang humandusay sa sementadong kalsada ang biktima at bakas sa crime scene ang tumagas na dugo mula sa ulo nito na siya niyang ikinasawi.