Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Rider na walang barrier sinampolan ng HPG

0 364

Sinimulan na ng mga tauhan ng Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) ang paghuli sa mga motorcycle rider na walang inilagay na barrier para sa kanilang angkas.

Unang nasampolan ang mga motorista sa Commonwealth Avenue, Quezon City, kung saan isa-isang pinara ang mga motorcycle rider at binigyan ng ticket ang mga walang barrier na may angkas.

Ayon kay PNP-HPG director Police Brigadier General Eliseo Cruz, naka-deploy na sa iba’t ibang panig ng Metro Manila ang mga tauhan ng HPG para sitahin at tiketan ang mga rider na may angkas na hindi nila asawa o live-in partner.

“Naka-ready na po ang ating mga tauhan upang hulihin ang mga magka-angkas sa motorsiklo na walang barriers at kapag hindi maganda ang materyales na ginamit sa barrier ay ipagbabawal din natin ito,” ayon kay Cruz.

Una nang inaprubahan ng National Task Force on COVID-19 ang barrier designs ng Bohol local government unit at ang Angkas (backpack type) dahil sa ligtas na sumunod sa safety standards at huhulihin naman ang mga barrier na yari sa karton o hindi ligtas na barrier. Matapos ang ibinigay na palugit sa paglalagay ng barrier noong July 31.

Kabilang sa huhulihin ay ang inilalagay na maling disenyo ng barrier na nakikita nilang hindi ligtas sa awtorisadong angkas. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.