Una sa Balita

Rider na nag-overtake todas

0 239

Sumemplang pa bago tuluyang mabagok sa semento ang 32-anyos na nagmomotorsiklo na nag-overtake diumano sa isang truck sa Maharlika Highway, Sto. Tomas, Batangas Miyerkoles nang gabi.

Dead-on-Arrival sa Laurel District Memorial Hospital sa Tanauan City ang biktimang si Albert Reyes y Leydia.

Batay sa report ng Sto. Tomas Police, galing San Pablo City ang biktima at patungo sa direksyon ng Maynila nang pagsapit sa Brgy. San Vicente ay nag-overtake ito sa kanan ng Isuzu Giga aluminum truck na minamaneho ng 21-anyos na si Sally Mar Nunez alas-6:30 nang gabi.

Subalit sumabit ito sa kanang bahagi ng truck kaya nawalan ito ng kontrol at bumaligtad ang motorsiklo sa kalsada.

Dahil sa bilis ng takbo, tumilapon ang biktima at bumagsak sa semento kaya nagtamo ito ng mga grabeng pinsala sa ulo at katawan.

Naaresto naman ng mga pulis ang driver ng truck at nakakulong na ito ngayon sa Sto. Tomas police station locked up cell. (Ronilo Dagos)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy