Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Rider buwis buhay sa marked vehicle ng BJMP

0 99

Nasawi ang isang rider nang mabangga ng jail guard lulan ng markadong sasakyan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang minamaneho niyang motorsiklo sa Tanza, Cavite kahapon ng umaga.

Naisugod pa sa Tanza Family Hospital ang biktimang si Mark Ferdinand Colunal, 26-anyos, binata ng Palangue 1, Naic, Cavite pero hindi na rin ito umabot ng buhay.

Kinilala naman ang driver ng marked vehicle na si Melchor Das Llen, 42, may-asawa at jail guard ng BJMP sa Brgy. Mabolo, Naic Cavite.

Sa ulat ni P/SSg. Jonathan Lagario ng Tanza Police Station, binabagtas ng biktima ang kahabaan ng Antero Soriano Highway sa nasabing bayan nang madunggol ng sasakyan ng jail guard ang likurang bahagi ng kanyang motorsiklo bandang alas-5:46 ng madaling-araw.

Dahil sa lakas ng pagkakabangga, tumilapon ang biktima at nagtamo ng pinsala sa ulo at katawan.
Sasampahan naman ng kaso ang jailguard dahil sa insidente.(Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.