Una sa Balita

Rider bumangga sa truck, nasagasaan pa ng kotse sa Batangas

By
0 203

KALUNOS-LUNOS ang sinapit na kamatayan ng isang hindi pa nakikila­lang motorcycle rider na matapos bumangga sa truck ay nasagasaan pa ng kotse sa natio­nal highway sa Brgy. Niugan, Laurel, Batangas kahapon nang mada­ling-araw.

Batay sa report ng Laurel police, sakay ng motorsiklo, tinatahak ng biktima ang Aguinaldo Highway patungo sa direksyon ng Nasugbu nang sumalpok ito sa isang nakaparadang truck matapos na lumipat sa kabilang linya alas-2:30 nang mada­ling-araw.

Habang nakabulagta sa kalsada, nasaga­saan pa ito ng isang nakasalubong na kotseng Honda City na naging dahilan ng agarang pagkamatay nito.

Kusang sumuko naman sa pulisya sa Tagaytay City ang driver ng nakasagasang kotse na si Alvin Meneses Gomez.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy