Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Rider binangga puwitan ng kotse, dedo

0 31

Pumanaw ang isang 34-anyos na rider nang bumangga ito sa likurang bahagi ng isang sports vehicle sa General Trias City, Cavite noong Lunes ng hapon.

Isinugod pa sa ospital ang biktimang si Mark Navarette Dumrique, residente ng nasabing lungsod, pero dahil sa tinamong matinding pinsala sa katawan ay nasawi rin ito.

Samantala, hawak na ng pulisya ang driver ng puting Nissan Sentra na si Roberto Castillo Cacho Jr., 27-anyos, nakarita sa Magallanes, Cavite.

Sa ulat ng police General Trias, dakong alas-4:30 kamakalawa ng hapon nang maganap ang insidente kung saan kapwa binabagtas ng biktima at suspek ang Barangay Buenavista 2 patungo sa direksiyon ng city proper nang salpukin ng motorsiklo ni Dumrique ang likurang bahagi ng sasakyan ni Cacho.

Dahil sa lakas ng pagkakabangga ay hindi na umabot nang buhay ang rider sa ospital. (Gene Adsuara)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.