Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Rider, angkas bumulagta sa overtake

0 52

Patay ang dalawang lalaking magkaangkas sa motorsiklo matapos banggain ng kasalubong na truck sa Barangay Sumilang, Calauag, Quezon Sabado ng gabi.

Kapwa dead on the spot sina Enrique Iglesia Magdato, 29, na siyang nagmamaneho, at ang backrider nito na si Germano Olviga, 35, kapwa nakatira sa nasabing bayan.

Batay sa report ng pulisya, alas-10:45 ng gabi nang mangyari ang insidente matapos na tangkaing mag-overtake ng motorsiklo sa isang sasakyan subalit inabot ito ng kasalubong na Isuzu Giga Truck na minamaneho ni Rolando Capiña.

SM food to go Banner Ad

Sa lakas ng pagkasalpok, tumilapon ang dalawa at bumagsak sa sementadong kalsada na agad ikinasawi ng mga ito.

Sumuko naman sa pulisya ng driver ng nakasalpukang truck. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.