Una sa Balita

Rider, angkas buking sa shabu

0 251

BULILYASO ang pagtago ng iligal na droga ng isang rider at angkas nito nang mahuli dahil walang suot na helmet sa Marikina City kamakalawa.

Batay sa nakalap na report mula sa tanggapan ng Eastern Police District, nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act sina Ivan Angelo Leosala, 25-anyos, tricycle driver at Jeffrey De Leon, 27, laborer matapos mahulihan ng dalawang sachet na naglalaman ng shabu.

Inaresto ang dalawa alas-10:20 Sabado nang gabi sa kahabaan ng Saint Mary St., cor. Riverside Drive, Provident Village, Barangay Jesus Dela Peña, matapos sitahin ng pulisya at barangay tanod.

Agad na hiningan ng lisensya ang rider su­balit nang aktong kukunin ang lisensya ay nahulog mula sa bulsa nito ang isang plastic sachet kaya agad na kinapkapan ang dalawa at nakuhanan ng isa pang sachet na naglalaman ng shabu na nasa 0.03 gramo na may street value na P200. (Vick Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More