Una sa Balita

Rico pararangalan nina Ai-Ai, Hajji, Rey, Marco sa Feb. 13

0 498

abante-anything-goes-jun-lalin

Very proud ang friend ko na si Mary Ann Opeña na nanood ng 24 Karat Magic New Year concert ni Bruno Mars sa T-Mobile Arena sa Las Vegas, Nevada noong December 30.

Siyempre, may dugong Pinoy si Bruno, kaya naman talagang nakaka-proud na panoorin ang international singer/songwriter!

Sabi ni Tita Mary Ann, sobrang ga­ling ng concert na ‘yon ni Bruno at lahat ay napayugyog, huh!

Noong December 31 naman, si Lady Gaga ang pinagkaguluhan sa Las Vegas para sa kanyang New Year’s eve concert na spectacular ang description ni Tita Mary Ann na isa rin sa mga nanood no’n.

Kung sa abroad ay panay ang mga concert, ngayong February naman, mamamayagpag ang marami nating singers sa kaliwa’t kanang Valentine concert.

Siyempre, sina Regine Velasquez-Alcasid at Vice Ganda ay pinagha­handaan ang three nights concert nila sa Araneta Coliseum na ang pinakamahal na ticket ay P8,960 na Platinum at P560 naman ang bawat ticket sa Gereal Admission.

February 14, 15, and 16 ‘yon at abangan na lang natin kung sino-sino ang mga magge-guest doon.

Si Ice (Aiza) Seguerra naman ay may concert sa Palacio de Manila kasama si Nyoy Volante on February 9.

On February 13 naman, aariba si Ai-Ai delas Alas with the OPM Hitmakers na sina Marco Sison, Hajji Alejandro at Rey Valera sa Newport Performing Arts Theater sa Resorts World Manila.

May pa-tribute sila rito para kay Rico J. Puno na yumao na last year. Kasama sana si Rico sa concert na ito, pero dahil pumanaw na nga siya, may magandang production number na inihahanda sina Ai-Ai, Marco, Hajji at Rey para sa tinaguriang The Total Performer.

Zion, Eddie eeksena sa pa-concert ni Annabelle

Sina Martin Nievera at Lani Misalucha naman ang magsasama sa PICC on February 14 para sa kanilang Valentine concert.
Siyempre, sanay na mag-concert together sina Martin at Lani, pero may kakaiba raw silang handog para sa Valentine concert nila this year!

Si Ogie Alcasid, may Valentine concert din sa Resorts World Manila.

Si Annabelle Rama naman, nagbabalik sa pagiging producer ng concerts dahil may pre-Valentine dinner concert siya sa grand ballroom ng Marriott Manila.

Pagsasamahin niya ang veteran singers na sina Pilita Corrales, Mitch Valdez, at Eddie Mesa at kasama pa sina Mitoy, Sunshine Cruz, Mike Austria (anak ng famous painter na si Tam) with the special participation of Sarah Lahbati na may song and dance number.

Excited si Bisaya sa dinner concert na ito dahil front act ang mister niyang si Eddie Gutierrez at apong si Zion. Kakanta ang mag-lolo, huh!

Anyway, marami pang concert ng mga Pinoy singers na naka-line up at tunay na nakaka-excite dahil hindi puro foreign singers na lang ang mamamayagpag, ‘noh?!

Rayver itinago ang L.A. trip with Janine

Nakabalik na ng bansa si Janine Gutierrez mula sa pagbabakasyon sa Los Angeles, California. Memorable ang bakasyon niyang ‘yon dahil bukod sa tatlong kapatid at amang si Ramon Christopher, nakasama rin nila si Rayver Cruz.

For sure, ang bakasyon nilang ‘yon ang isa sa mga uuriratin kay Janine sa presscon ng Elise. Ang Elise ang opening salvo ng Regal Entertainment, Inc. ni Mother Lily Monteverde at isu-showing na ‘yon sa January 23.

Si Enchong Dee ang leading man ni Janine sa Elise.

Going back to Rayver, bakit kaya parehong hindi nag-post (o meron kaya at hindi ko lang napansin) ng picture ang binata at si Janine na magkasama sila habang nasa bakasyon sa L.A.?

Pati ‘yung nanood sila ng Lakers girl, may pinost si Rayver na picture na kasama ang kapatid ni Janine na si Diego, pero wala ako nakita na magkasama sila?

Well…

‘Fantastica’ #1 pa rin

Nag-check naman ako ng Metro Manila Film Festival 2019 entries sa Power Plant Mall Cinemas noong January 1. Si­yempre, nangunguna pa rin ang Fantastica nina Vice, Ri­chard Gutierrez, Dingdong Dantes, Bela Padilla, Jaclyn Jose, Maymay Entrata & Edward Barber, Loisa Andalio & Ronnie Alonte, Kisses Delavin & Donny Pangilinan at iba pa.

Kaya ang cast ng Fantastica ay very thankful na nangunguna ang pelikula nila sa takilya!

Nakita ko roon ang showbiz managers na sina Jojie Dingcong at Dolor Guevarra na nanood ng Rainbow’s Sunset. Okey rin ang One Great Love movie nina Kim Chiu at Dennis Trillo at nang makausap ko nga si Mother Lily ay kinongratulate ko siya dahil matagumpay rin ang kanyang filmfest entry!

Umaasa nga si Mother Lily na ngayong balik-trabaho na ay lalakas pa ang One Great Love movie niya!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy