Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Rico, Maris tuloy ang pagpapakilig

0 10

Tuloy-tuloy lang ang pagpapakilig, ang maayos na ‘relasyon’ nina Rico Blanco at Maris Racal. Relasyon na nagsimula sa musika, at patuloy na humihinga dahil sa musika.

Naaliw si Rico na ikuwento na hindi sila nauubusan ni Maris ng pag-uusapan pagdating sa musika. Na kahit pinaghahandaan nga nila ang pag-release (na-release ng Sept. 15) ng single ni Maris, na si Rico ang producer, namahala sa music video, na pinaghirapan daw talaga nila, heto nga at may mga bago na naman silang pinaplano agad-agad ni Maris.

“Habang pini-prepare namin `yon, may pinarinig na naman siya sa akin na bagong kanta.

“Tumawag siya, ‘what do you think of this?’ Sabi ko, maganda `yan. So, tuloy-tuloy lang ang collab namin,” sabi ni Rico.

Anyway, bukod sa makabuluhang pagbabago sa titulo ng kanta, angat din ang tunog Pinoy sa bagong areglo na maririnig sa “Pinoy Tayo” mula sa music icon na si Rico.

Ito ang anniversary version ng makabayang awitin na “Pinoy Ako” na unang narinig taong 2005 mula sa bandang Orange and Lemons.
Ngayon, ang remake ni Rico naman ang magsisilbing official theme song ng nalalapit na “Pinoy Big Brother (PBB) Kumunity Season 10.”

“It’s such an honor to do the song. Just what it stands for. The original version is so well-loved. This is a chance to rediscover it,” sabi ni Rico.

Sa panimula pa lang ng kanta ay maririnig na ang etnikong tunog sa bagong “Pinoy Tayo,” na komposisyon ni ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo, Clem Castro, at Rico, na siya ring nagprodyus nito katulong si Jonathan bilang supervising producer.

“Tinanong ko ang sarili ko ‘ano ba ‘yung ako’ and I put in all the small elements that my songs had throughout the years,” sabi pa niya.

“Excited ako about that happiness na mabibigay ng kanta. It’s a very bright, upbeat song, and I kept that from the original version,” dagdag pa niya. 


Bukod sa pagiging theme song ng PBB, nakatakda ring maging lead single ang “Pinoy Tayo” ng 25-track album na ilalabas ni Jonathan bilang pagdiriwang ng kanyang ika-20 taon sa industriya.


Samantala, para sa mga nagnanais maging “Pinoy Big Brother Kumunity Season 10” housemate, maaari nang mag-audition ang may edad 20 hanggang 40 taon bilang adult housemates hanggang September 30. Magdownload lamang ng Kumu app at gumawa ng iyong account. Mag-upload ng 1-minute Kumu clip, ipakilala ang iyong sarili, at sabihin kung bakit ka karapat-dapat maging housemate ni kuya, Huwag kalimutan na gamitin ang hashtag na #PBBKUMUADULTS. (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.