Una sa Balita

Ricky Reyes nanermon ng mga bakla

0 456

Maya’t maya ay may mga naglalabasan na mga komento ng mga celebrity kaugnay sa stand nila sa mainit na usapin ng SOGIE Bill. Nag-umpisa nga ito nang magkaroon ng isyu sa hindi pagpapapasok ng mga miyembro ng LGBTQ sa banyo ng mga babae.

Ilan nga sa mga pabor sa SOGIE Bill ay sina Vice Ganda, Anne Curtis, Bianca Gonzales at Heart Evangelista. Sopla naman ang panukala kay Senate President Tito Sotto.

Ngayon naman ay kumakalat ang isang video kung saan tila nanenermon si Mother Ricky Reyes sa aniya’y mga baklang hindi marunong lumugar sa dapat kalagyan.

“Ang lagi kong sinasabi, ang bakla, walang makakaintindi kundi kapwa bakla lang. Kung ikaw ay may nota, sa lalaki ka. Kung ikaw ay may kipay, sa babae ka. Finish!” patungkol nito kung saan ba dapat mag-CR base sa gender.

“Nirerespeto kita bilang tao, nirerespeto kita bilang bading, pero lumugar tayo sa tamang lugar.

“Kasi ang bakla, miski operada na, miski may kipay na, may boobs na, bakla pa rin ang utak.

“May gay community naman tayo. Bakit kailangan pa nating pumunta sa kung ano-ano? May gay pageant naman tayo. Bakit tayo pupunta ng mga bar, ipagpipilitan mo na girl ka, eh may gay bar naman? ‘Di ba? D’’n ka sa lugar natin,” pagbibigay ng opinyon ng itinuturing na ring gay icon sa industriya.

“Ang bakla ay bakla. Ang bakla, gilingin mo man ‘yan, ang labas n’yan, baklang hamburger!” pagtatapos pa ni Reyes.

Hindi rin umano siya pabor sa same-sex marriage at naniniwala siyang dapat irespeto ang relihiyon.

For sure, knowing kung gaano kainit ng mga miyembro ng LGBTQ sa pagpu-push sa SOGIE Bill, ilan sa kanila ay malamang tumaas ang kilay sa pahayag ni Reyes. (Jun Lopez)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy