Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Ricky Gumera ‘naghubo’ sa Makati

0 659

Binulabog ni Ricky Gumera, ang ‘bagong Totoy Mola’, at isa sa mga bida ng pelikulang Anak ng Macho Dancer, na dinirek ni Joel Lamangan, at prodyus ni Joed Serrano (Godfather Productions), ang isang pool side sa Makati.

Naloka nga ang mga movie press, at ibang nagsi-siesta sa pool side na `yon, dahil biglang-bigla, nag-appear si Ricky na formal na formal, may korona, rumampa, at pagkatapos, biglang nagtanggal ng sapatos, at saplot.

Ang natira na lang sa kanya ay swimming trunks na boxers type, pero ilang minuto lang ang nakalipas, muli niya itong hinubad, at umabot nga sap unto na t-back na lang ang suot niya.

Yes, rumampa, sumisid si Ricky, at lantad na lantad ang kanyang makinis na wetpaks. Siyempre, nagkagulo ang mga vlogger, blogger, reporter, photographer sa pagkuha ng video, photo kay Ricky. Kanya-kanyang anggulo, para mas bongga ang shot.

Sa huli, tinanggal niya ang kaisa-isang saplot, pero nag-bathrobe siya, para naman hindi ma-expose ang kanyang sandata. Pero for sure, may ibang matalas ang mga mata na nasilip ang inaasam nilang masilip.

Anyway, sa tsikahan kay Ricky, inamin niyang maraming beses siyang ‘namura’ ni Direk Joel Lamangan. Aminado naman siyang wala siyang alam sa akting, at nagagalit si Direk kapag hindi niya nakukuha ang tamang timpla ng arte.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Pero after that naman, kapag okey na, parang walang nangyari. Back to normal, nakikipagkuwentuhan ulit si Direk. Ang gusto lang talaga niya ay mag-focus ka sa shooting.

“At saka, okey lang naman na murahin ako, para lalo akong magpursige. Nagpapasalamat ako kay Direk dahil marami akong natutunan sa kanya,” sabi ni Ricky.

Pero siyempre, may papuri rin siyang narinig mula kay Direk Joel.

“Noong nag-take one kami, pinuri naman niya ako. Ganun naman si Direk, pupurihin ka pag maganda ang ginagawa mo, kaya dapat galingan mo,” chika pa ni Ricky.

Well, aminado naman si Direk Joel na talagang umiinit ang ulo niya kapag may mga artistang mahirap turuan, o syonga talaga. Sila `yung mga artistang matitigas ang ulo, na ayaw makinig sa mga utos ng direktor.

At kay Ricky, congrats dahil first movie mo pa lang, Joel Lamangan na ang nag-handle sa iyo. At para sa mga nagpapantasya kay Ricky, abang-abang sa showing ng Anak ng Macho Dancer, lalo na ang uncut version nito, dahil siguradong matutuyuan kayo likido sa lalamunan. (Dondon Sermino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.