Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Ricky gulat sa acting ni Glaiza

0 43

Kahit na ilang beses nang naidirek ni Ricky Davao si Glaiza de Castro, nagugulat pa rin daw ito sa mga pinapakitang emosyon nito tuwing may mabigat na eksena silang ginagawa sa GMA Afternoon Prime teleserye na ‘Nagbabagang Luha’.

Unang nakatrabaho ni Direk Ricky si Glaiza sa unang pinagbidahan nito na Grazilda noong 2010. Doon pa lang daw ay bumilib na si Direk Ricky sa pagganap ni Glaiza sa isang bida-kontrabida na character.

“Second unit director ako doon. Bumilib ako sa kanya nang i-deliver niya ang kilometric lines na may meters, parang balagtasan. Ang galing niya! Bumilib talaga ako sa kanya, kaya I’m looking forward everytime na makakatrabaho ko siya,” sey pa niya.

Sunod na naidirek niya si Glaiza ay sa Dading noong 2014 at ngayon ay sa ‘Nagbabagang Luha’ na.

Kuwento pa ni Direk Ricky na hindi raw niya napanood ang original 1988 film na dinirek ni Ishmael Bernal noong magsimula silang mag-taping. Kelan lang daw niya ito napanood sa TV.

“Kaya wala akong basehan noong magsimula kami. Never kong napanood yung move even noong 1988. Okey din naman dahil gusto ko ring may sarili tayong atake sa story at sa pagganap ng mga artista natin.”

May isa pa raw na teleserye si Direk Ricky na nasimulan nila ni Glaiza na natigil daw dahil sa pandemic.

“May isang drama series pa kaming hindi natapos dahil sa pandemic, ‘yung Seed of Love. ‘Pag normal na ang sitwasyon, baka ituloy pa iyon. Naka-10 taping days na kami sa Seed of Love, na para sa three to four weeks of airing. Sayang kung hindi iyong itutuloy.” (Ruel Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.