Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Richard Yap idolo sina Ate Vi, Goma

0 47

Ramdam mong mabuting ama si Richard Yap, dahil sa ugali ng kanyang anak. Naikuwento nga ni Yap na ang anak niyang vlogger na rin ay may mabuting puso.

Nakita raw niya `yon noong mag-effort ang anak niya na bigyan ng mga gadget ang mga anak ng yaya nila. Ang mga gadget na `yon ang ginagamit ng mga ito sa school.

Kaya sabi ni Richard, sa tingin niya ay mabuti siyang ama, dahil napalaki niya ng maayos ang panganay nila, at siyempre sa tulong din `yon ng kanyang misis.

Anyway, matunog nga ang usapan na kesyo tatakbo si Richard sa 2022. At sa naturang chikahan ay tinanong siya kung ano ang masasabi niya sa panghuhusga ng ibang mga tao, na ang mga artista ay walang karapatang pumasok sa politika.

“Nakikita naman natin na maraming artista rin ang nag-join sa politics, at maganda ang ginagawa nila. Ang iba nga mas maganda pa ang nagagawa kesa sa mga politician talaga.

“Like sina Ate Vi (Vilma Santos), at si Richard Gomez. Iba `yung nagagawa nila. May mga nau-offer sila na hindi nau-offer ng ibang mga politicians.

“So, hindi natin dapat husgahan ang mga artista na pumapasok sa politika,” sabi ni Yap.

Excited na nga pala si Yap na mag-taping na sila ni Heart Evangelista, na magaganap sa Hulyo.

Agot napikon kay Janice

Mas matitinding tarayan, baklaan, ang masasaksihan kina Janice de Belen at Agot Isidro sa teleseryeng La Vida Lena. Katunayan, paborito silang gawan ng mga ‘meme’ sa social media dahil sa mga pinagsasabi nila sa isa’t isa.

“Meme all you want. Meme all the way,” sabi ni Janice sa mga nagbabalak na gawan pa sila ng mas maraming meme.

“Kami ni Janice, ibang-iba ang character namin. Ako ang hyper, siya cool lang. Kapag nagbabangayan kami, may pikunan factor talaga. Lalo na ako, kasi ako talaga ang napipikon! Hahahaha!” sabi ni Agot.

“Ang saya, kasi after that naman, tatawa lang kami. Ang sarap niyang gawin. Sa akin kasi pinaka-enjoy ako kapag kontrabida, kasi nalalaro ko talaga ang role,” sabi ni Agot.

Kaya more tarayan, more fun nga raw para kay Agot.

Hidilyn iaangat mandirigmang Pinoy sa Summer Olympics

Sa Hulyo na nakatakdang ganapin ang Summer Olympics at ito ang ika-apat na paglahok ni Hidilyn Dias. Gaya ng mga nauna na niyang laban, may misyon ang kampeon ng Pilipinas – ang mag-uwi ng gintong medalya.

Malaki ang pasasalamat ni Hidilyn sa kanyang mga coach na nagtutulong-tulong para siguraduhin na maayos ang kanyang training at nasa kondisyon ang kanyang katawan para sa nalalapit na competition.

“Sinisiguro din nila na I do not lose sight of our goal. Kaya naman nanatili akong focused at determinado na pagbutihin pa ang training araw-araw kasama ang team ko na kagaya ko ay marami na rin ang naging sakripisyo para maging representative ng ating bansa,” sabi niya.

Nagsimula ang weightlifting career ni Hidilyn sa edad na 17. Naging maingay nang husto ang pangalan ng dalaga nang sa kauna-unahang pagkakataon ay iniuwi niya ang silver medal mula sa Rio 2016. At ngayon, sa edad na 30, ang pangalan ni Hidilyn ay nasa second spot sa world ranking.

Sino ang mag-aakala na ang simpleng curiosity ni Hidilyn sa sport na weightlifting ang magdadala sa kanya sa Olympics; na mula sa pagbubuhat ng barbell na gawa sa semento, maiaangat niya ang mga mandirigmang Pilipino.

“Nag-try na ako ng iba’t ibang sports pero medyo hindi maganda yung nagiging resulta ng laro, parati akong talo. Sa weightlifting, natatalo ko yung mga pinsan kong lalaki kaya sabi ko dito ako,” kuwento niya.

Sa loob ng isang linggo, anim hanggang labing isa ang session, training niya, kung saan dumadanas talaga siya ng matinding sakit ng katawan.

“Madalas lahat ng parte ng katawan masakit. Kahit nga utak minsan kasi mental game din ang weightlifting. Kapag na-out of focus ka, maapektuhan ang performance mo.

“Pero, sa isang Alaxan FR, tapos ang laban. Handa ulit akong lumaban sa training the next day. Sa sakit ng katawan, sa lahat ng laban natin sa buhay, ang mandirigma tulad ko, laban lang,” sabi ni Hidilyn.

Ang Alaxan FR ay produkto ng pharmaceutical at health care company na Unilab. Ito ay doctor-recommended na pain reliever laban sa iba’t ibang sakit ng katawan. Ito rin ang pinagkakatiwalaang body pain reliever brand ng mga mandirigma ng makabagong panahon na tulad ni Hidilyn.

“Wag susuko kahit mahirap. Ituloy n’yo ang laban para sa pangarap dahil kayo ang mga bagong mandirigma. Laban lang!” sabi pa ni Hidilyn.

Panoorin ang video ni Hidilyn Diaz sa Alaxan Facebook page (Log in to Facebook) at huwag kalimutang mag-iwan ng inyong message of support para sa pambato ng Pilipinas sa darating na Olympics event.

Leave A Reply

Your email address will not be published.