Una sa Balita

Richard Yap biyaheng Kongreso

0 754

WALA nang atrasan ang pagsabak sa politika ng Cebuanong aktor na si Richard Yap matapos siyang maghain ng kanyang certificate of candidacy (COC) sa huling araw ng pagsusumite nito kahapon sa Cebu City.

Si Yap na nakilala sa kanyang papel bilang ‘Sir Chief’ programang “Be Careful with My Heart” katambal si Jodi Sta. Maria ay kumakandidatong kongresista sa Cebu North District sa ilalim ng ruling Partido Demokratikong Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban).

Makakalaban niya si incumbent Congressman Raul del Mar.

Naniniwala si Yap na kuwalipikado ring tumakbo at maglingkod sa publiko ang mga celebrity na tulad niya. Isusulong niya umano na lalo pang mapataas ang kalidad ng edukasyon, mga programang pang-kapaligiran, imprastraktura, pang­kabuhayan, transportasyon at pangkalusugan.