Una sa Balita

Richard sinamahan ni Sharon sa SOCA

By
0 563

Lalong naging inspirado si Ormoc City Mayor Richard Gomez sa pag-deliver ng kanyang State of the City Address sa nasabing siyudad dahil may tatlo siyang espesyal na bisita bukod pa siyempre sa kanyang pamilya, mga kaibigan at kapartido sa politika.

Sa kanyang speech ay buong puso na nakinig ang megastar na si Sharon Cuneta, ang box-office star na si Kathryn Bernardo at ang dating PBB housemate na si Tommy Esguerra na obviously ay very proud sa kanya dahil bukod sa galing niyang magsalita ay tikas artista at politiko talaga si Goma.

Nagkataon din naman kasi na nasa location ang tatlong celeb dahil sa kasalukuyan nilang sinu-shoot ang pelikulang Three Words To Forever ng Star Cinema na siyang reunion movie ng dating magdyowang sina Shawie at Goms.

Kaya nga hindi nagdalawang-isip ang tatlo na suportahan nila ang State of City Address ng award-winning actor kung saan ay inilahad niya ang mga nagawa niya bilang isang mayor at ang kanyang mga plano sa susunod pang buwan bago mag-elect ulit ng panibagong mayor.

Kung matatandaan, hiniling ni Goma na gawin sa Ormoc ang shooting ng kanilang pelikula dahil bukod sa marami namang magagandang lugar doon para sa kanilang shooting ay gusto pa rin niyang matutukan ang obligasyon niya bilang punongbayan na hindi naman ipinagkaila sa kanya ng pamunuan ng Star Cinema.

Larawan naman ng isang masayang pamilya ang makikita sa post kung saan kasama ni Goma ang kanyang misis na si Cong. Lucy Torres at ang mga biyenan ni mayor.