Una sa Balita

Richard sasabak agad sa bagong teleserye ng ABS-CBN

By
0 3,856

Magkasunod na araw na nasa ABS-CBN compound si Richard Gutierrez. Noong Monday, nandoon sila ng nanay niyang si Annabelle Rama para sa meeting for a possible new project (na hindi pa puwedeng sabihin) at noong Tuesday night naman, nagpunta sila roon para sa thanksgiving/reunion party ng La Luna Sangre.

Nagkita lang kami ni Bisaya sa Starbucks sa may ELJ Tower at hindi na ako sumama sa kanila sa event ng La Luna Sangre, pero ikinuwento ng nanay ni Richard na nandoon na sa taas ang aktor at nakikipagkuwentuhan sa mga big boss at staff ng kanilang nagtapos na teleserye.

Naging malapit kasi si Richard sa mga taga-La Luna Sangre, kaya na-excite siya na makita uli ang mga ito.

Kuwento pa ni Bisaya, ang big bosses ng Kapamilya network ang nagbigay ng nasabing thanksgiving/reunion party dahil nagsimula’t nagtapos ang La Luna Sangre na sobrang taas ng ratings!

Daniel, Kathryn super sweet kay Annabelle

Kahapon, naki-update ako kay Bisaya kung ano ba ang mga pangyayari sa thanksgiving/reunion party na ‘yon at halos lahat naman daw ng naging part ng cast ay nagpunta.

“Dumating din sina Kathryn (Bernardo) at Daniel (Padilla). Lumapit nga sila sa akin at nag-invite nga raw sa kanila si Richard para sa birthday party ni Zion (he’s turning five on April 29 at may inihahandang celebration sina Richard at Sarah Lahbati).

“Sweet naman sila,” sey pa ni Bisaya.

March lang nagtapos ang La Luna Sangre, pero parang sobrang na-miss ng cast at staff ang lahat, kaya ang saya-saya raw sa thanksgiving/reunion party at lahat daw ay nagsasabing type nilang magkasama-sama uli sa isang series.

Bago nga pala ang thanksgiving/reunion party na ‘yon, nakita ko rin sa Starbucks si Ina Raymundo na nakasama rin sa cast ng La Luna Sangre at medyo umitim na naman siya dahil nag-swimming daw kasama ang kanyang pamilya.

“Ang bilis ko kasing umitim,” sabi ni Ina.

Julius B. tagatulak ng wheelchair ng matandang babae

Favorite kong panoorin ang late night show ni Julius Babao sa ABS-CBN tuwing Monday, ang Mission Possible. Maraming mga kapuspalad, pero deserving, na tinutulungan si Julius at ang show.

Actually, in real life, mukhang mabait at matulungin naman talaga ang mister ni Christine Bersola.

Noong Sunday na nanood ako ng mall show sa Shangri-La ng Drum Tao para sa promotions ng kanilang Samurai Drum Rock show, nakita ko si Julius at ang kanyang mga anak na nanood din.

May isang matandang babae na naka-wheelchair na si Julius mismo ang nagtutulak.

Sobrang alalay si Julius sa matandang babae (na hindi ko na natanong kung kaano-ano niya dahil nagsimula na ang show).

Nakakatuwa lang na si Julius mismo ang gumagawa no’n at malayo siya sa iba na napakaraming mga alalay o bodyguards.

Oo nga pala, napansin namin na sa kanyang Instagram account (@juliusbabao) ay madalas na nagpo-post si Julius ng pictures ng pamamasyal nila ng kanyang pamilya.

Kahit busy si Julius sa ABS-CBN dahil sa daily newscast ng Bandila at may daily radio show pa siya sa DZMM at may Mission Possible pa nga, talagang nagagawa niya na palaging mag-bonding with his wife and children basta may free time!

Yearly rin ay nagli-leave si Julius sa kanyang mga trabaho sa Kapamilya network para makapag-abroad sila ng kanyang pamilya.

At sa mga interesado sa Drum Tao, sila ‘yung world-renowned Japanese drum and dance group na puro mga lalaki ang miyembro. Nakapag-perform na sila sa 23 countries at noong 2013 nga ay nakapunta’t nakapag-perform na rin dito sa atin.

Mga guwapo ang mga miyembro ng Drum Tao at shirtless sila, kaya naman marami ang nabibighani sa kanila.

Simula nga mamayang gabi, hanggang sa Sunday, magpe-perform sila sa KIA Theater and for tickets, puwede kayong mag-inquire sawww.ticketnet.com.ph.