Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Richard sasabak agad sa bagong serye ng Dos

0 516

Kahapon, maaga pa lang ay nag-WhatsApp message na ako kay Richard Gutierrez at binati ko siya ng Happy Father’s Day at kaagad naman siyang nagpasalamat.

Kuwento ni Chard (paboritong tawag sa kanya), doon daw sa bahay nila ng misis niyang si Sarah Lahbati ang usual family lunch bonding nila at espesyal ‘yon dahil ilan sila sa pamilya ang mga tatay na.

Siyempre, happy si Chard na makakasama nila ang tatay nilang si Eddie Gutierrez.

First time rin magkaka-bonding uli si Chard at ang twin-brother niyang si Raymond Gutierrez since dumating ito from Beverly Hills, California.

So, mahaba-habang kuwentuhan din ang magkambal.

Nakadalaw na si Mond sa bahay nina Chard at Sarah, pero nasa lock-in taping naman that time sa Ilocos Sur ng ‘FPJ’s ANg Probinsyano’ ang kanyang twin-brother, kaya ngayon pa nga lang talaga sila magkikita uli after more than 13 months.

Anyway, ine-enjoy ni Chard ang family bonding with Sarah and their kids (Zion and Kai), plus sa parents (Tito Eddie and Tita Annabelle) niya and the whole Gutierrez family, pati sa mother-in-law niyang si Esther Lahbati, bago siya sasalang sa bago niyang proyekto sa ABS-CBN.

Karylle mas bumata, gumanda

Alam mo, Dondon (my dear editor), super happy ako nang samahan ko ng ilang araw sa ‘It’s Showtime’ ang mag-iinang Annabelle Rama, Ruffa Gutierrez at Mond, dahil nakatsikahan ko uli si Karylle.

Paminsan-minsan ko lang kasing makita si Karylle na noong araw ay every week kong katsikahan sa isang weekly show ng GMA-7 nang hindi pa siya lumilipat sa ABS-CBN.

Anyway, noong Thursday, hindi ko agad namukhaan si Karylle nang batiin niya ako sa backstage.

“My gosh, ang bata mong tingnan!” sey ko sa kanya.

Gandang-ganda ako sa hair extension niya na bumagay talaga sa kanya.

Sabi ni Karylle, may hair and make-up artists kasi siyang kasama that day at type rin niya ang ganoong ayos sa kanya.

In fairness, very blooming ngayon si Karylle!

Mapapa-wow ka nga sa kagandahan ng misis ni Yael Yuzon, huh!

Leave A Reply

Your email address will not be published.