Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Richard, Sarah todo rampa sa Geneva

0 16

Sobrang ine-enjoy ni Richard Gutierrez, ng misis niyang si Sarah Lahbati, at mga anak na sina Zion at Kai, ang kanilang bakasyon around Switzerland.

The other day na magkausap kami ni Richard, nasa Geneva na sila at panay pa rin ang pasyal nila.

Pero kinuwento nga niya sa akin na sa Monday, papunta sila ng Zermatt.

Nasa Zermatt ang Mt. Mattherhorn kung saan nag-propose si Richard kay Sarah.

Kasama ba nila ang parents ni Sarah na sina Abdel at Esther Lahbati?

“No, kaming apat lang. Two nights kami sa Zermatt, then balik-Geneva na,” sey ni Richard.

Sayang nga at medyo made-delay ang punta ko sa Geneva, pero mag-aabot naman kami roon dahil hanggang first week of August pa sila at saka sila sabay-sabay na uuwi ng Philippines at maiiwan naman ako kina Tita Esther at kay Tito Abdel.

“Yes, sobrang enjoy kami. Sobrang enjoy sina Zion at Kai, kaya happy kami ni Sarah,” sey ni Richard.

Pagbalik ng Philippines, magkwa-quarantine lang si Richard at babalik din siya sa lock-in taping ng ‘FPJ’s Ang Probinsyano’.

Martin bongga ang billboard sa San Diego

Nakaka-happy naman ang importansiyang pinapakita ng Sycuan Casino Resort Ang sa Concert King na si Martin Nievera. Aba, may pa-billboard ang nasabing casino resort para sa ‘Martin in San Diego: Live Again’ concert on July 30, huh!

Ang Sycuan Casino Resort ay located sa El Cajon, California (sa may San Diego County) at ngayon pa lang ay nag-announce na sila na sold out ang tickets para sa nasabing concert ni Martin.

Nang maka-chat ko kahapon si Martin, tinanong ko siya kung saan located ‘yung billboard ng Sycuan, pero hindi raw siya sure.

May nag-post lang daw no’n, kaya nalaman niya.

Pero hindi naman bago kay Martin ang mga billboard niya sa iba’t ibang lugar sa Amerika dahil ilang beses na ring nangyari ‘yon.

Nang minsang nag-long drive kami pa-Las Vegas, Nevada, nakita ko rin ang pa-billboard naman sa kanya ng M Resort Spa Casino na madalas siyang nagko-concert.

Ang bongga!

Anyway, next week ay makakasama ko over dinner si Martin, plus Pops Fernandez at ang mga anak nila dahil nag-invite sa amin si Chef Vallerie Castillo-Archer ng Yamashiro Hollywood, kaya makakamustahan ko sila for Abante News Online.

Leave A Reply

Your email address will not be published.