Una sa Balita

Richard, Sarah sisisid sa Oahu

0 217

abante-anything-goes-jun-lalinAs I write this, Dondon, kaaalis lang ni Richard Gutierrez kasama ang mag-ina niyang sina Sarah Lahbati at Zion dito sa Maui, Hawaii.

Papunta na sila ng Oahu para ipagpatuloy ang kanilang bakasyon.

Noong una, ang saya dahil ang dami namin na umattend sa wedding ng anak ni Tita Mary Ann Opeña, pero isa-isang nag-aalisan na like Raymond Gutierrez na umalis dito noong Sunday at nasa Maynila na noong Monday evening.

Anyway, nagkita muna kami ni Richard, pati na ang kanyang mag-ina bago sila umalis pa-airport at bumilib ako dahil ang aga nila.

Ayaw raw kasi nilang ma-stress na naman at mabuting maaga pa lang ay nasa airport na sila.

Napansin ko na marami silang dala, pero gamit daw nila ‘yon sa pag-diving at snorkeling. May sarili rin silang fin na dala-dala at mag-e-enjoy nga sila sa Oahu.
Nag-offer ako sa mag-lovey dovey na on Wednesday ay susunduin ko si Zion para isama sa Disney-theme hotel.

Biniro ko nga si Zion na I’m gonna be his yaya for that day.

“Really, Tito Jun Lalin, you’re gonna be my yaya for that day? Thank you, Yaya Jun Lalin,” pagbibiro sa akin ng bata na sa April 29 ay magsi-six years old na.

Excited si Zion sa kanyang birthday at ang wish daw niya ay makapunta ng Antarctica para makakita ng penguin.

Ikinuwento nga pala sa akin ni Richard ang update tungkol sa tele­serye nila ni Bea Alonzo na sisimulan na nila very soon at nakaka-excite ‘yon, huh!

How I wish na puwede akong magsulat tungkol doon, pero bawal pang magbigay ng detalye!
***
TNT Boys nagtaas ng talent fee

Fifteen hours behind ang California sa Philippines dahil DST (daylight saving time) sila nga­yon at dapat ay kasalukuyang nagsu-show na ang TNT Boys para sa kanilang Listen tour (Tuesday, April 23 pa lang doon ngayon) sa Hayward, pero hindi ‘yon natuloy.

Sabi pa ng mga taga-TFC, “The Los Angeles leg on April 25 and Edmonton leg on April 27 are still on schedule.”

Samantala, may nakapagtsika sa akin na dahil sa “hot” ngayon ang TNT Boys at mara­ming kumukuha sa kanila para mag-show, nagtaas na raw ng presyo ang grupo.

May iba raw na hindi na afford ang talent fee ng TNT Boys, huh!

***

Regine ayaw ng bonggang b-day party

Nasa bowling center si Regine Velasquez-Alcasid kasama ang mister na si Ogie Alcasid at ang kanyang pamilya nang maramdaman nila ang paglindol noong Monday afternoon.

Birthday kasi ni Regine at naisipan nilang mag-bowling ni Ogie kasama ang anak na si Nate at ang buong pamil­ya Velasquez. Siyempre, sobrang nag-worry sila at nagdasal.

Hindi rin naman uma­lis kaagad ng bowling center ang mag-anak dahil ipinagpatuloy rin nila ang pagbo-bowling after a while.

Kinagabihan, may simple dinner lang sa bahay ng mag-asawa. Walang big celebration si Regine this year, pero baka next year kapag 50 na siya ay magkaroon ng celebration.

In fairness, hindi pa mukhang 49 ang Asia’s Songbird, huh!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy