Una sa Balita

Richard, Sarah ‘nangarag’ sa Hawaii

0 265

abante-anything-goes-jun-lalinHappy Easter! Karamihan back to work na bukas at may mga taping na.

Napagod sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati nang makita ko sa Luau event sa isang hotel sa Maui, Hawaii noong Thursday para sa pre-wedding event ng anak ng kaibigan naming si Mary Ann Opeña.

Ang panganay naman nila na si Zion, parang masyadong energized.

“Team No Sleep kasi kami ni Chard. Si Zion lang ang nakatulog sa flight namin. Kami ni Chard, wala halos tulog, ‘tapos hindi pa kami straight flight dahil may connecting pa nga kami sa Honolulu papunta rito sa Maui.

“After we arrived dito sa hotel, nag-freshen-up at ayos lang ng konti at bumaba na kami. Sobrang tired kami,” sabi ni Sarah.

Excited naman si Richard dahil kahit nakapunta na siya sa Honolulu noon para sa isang event, first time niya sa Maui.

“Nabago nga lang ang schedule namin dahil hindi kami kaagad nakaalis. Thursday na kami nakaalis, kaya from here, mag-Oahu kami at mag-diving din kami.

Sabi ni Zion, miss na niya ang kapatid na si Kai na kasama nina Tito Eddie Gutierrez at Tita Annabelle Rama sa Davao.

“Kasama rin nila si Lola Esther, Tito Jun Lalin,” sey naman ni Zion na kapag binabanggit ang name ko ay buong-buo talaga.

Maagang umalis sa Luau party ang tatlo at kumain muna sila sa isang Japanese restaurant at umuwi na agad dahil magbabawi pa raw ng tulog.

Annabelle type maghanap ng itlog sa Davao

Speaking of Tita Annabelle, dahil nami-miss din niya sina Richard, Sarah, Zion, Raymond, Elvis, Alexa and Aria, madalas na nagbi-video call siya sa mga ito.

Nang maka-video call ko nga siya, ikinuwentong enjoy naman sila sa Davao City kung saan ay inaalagaan niya ang mga apong sina Kai at Ezra (anak nina Elvis at Alexa).

“Kasama rin dito si Esther, kaya ok naman kami ni Eduardo,” sabi ni Bisaya.

Siyempre, ilang simbahan din doon ang ini­kot ni Bisaya para sa Visi­ta Iglesia.

Today raw, balak ni Bisaya na samahan ang mga apo sa pag-i-Easter egg hunt.

Ogie, Regine naghahanda sa US, Canada tour

Kadalasan, noong araw, live ang Sunday musical variety shows ng ABS-CBN at GMA-7, but now, parehong taped na ang epi­sodes today ng “ASAP Natin ‘To” at “Sunday PinaSaya” respectively, ng dalawang top TV networks.

Ang mag-asawang Ogie at Regine (Velasquez) Alcasid at ang kanilang mga pamilya on both sides, nga­yon pa lang ang alis ng Balesin Island, kung saan ay nag-spend sila ng Holy Week since Monday.

Kagabi naman, may back-to-back show ang mag-asawa sa Clubhouse Performance Theater ng nasabing “for members only” island.

“Ang next na paghahandaan namin, ‘yung Canada and US concert tour ni Wifey na guest ako.

“We’re doing ‘ASAP Natin ‘To’ pa sa May 5, kaya ang alis namin, May 6 na.

“Hindi naman kami mawawala sa ASAP dahil nakapag-advance ta­ping na rin kami ng segments namin hanggang makabalik kami,” sabi ni Ogie nang maka-text ko kahapon.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy