Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Richard, Sarah nagliliyab ang halikan

0 611

‘Honeymooners’ nga ang deskripsiyon ni Sarah Lahbati sa kanila ni Richard Gutierrez. Na oo nga naman, tama lang naman, dahil di ba nga, kinasal sila nitong Marso, na kung saan ay bigla ngang idineklara ang lockdown o community quarantine sa maraming lugar sa Pilipinas.

Ang dapat nga sana ay bonggang kasal nila ay nauwi na lang sa simpleng kasal, na sila lang talaga na magkakamag-anak ang nagsama-sama, dahil bawal nga ang mass gathering at kailangan talaga ang physical distancing.

Well, sa mga latest photo na pinu-post ng mag-asawa sa kanilang Instagram, ramdam na ramdam nga ang nag-iinit na damdamin nila para sa isa’t isa.

Ang sure ako, isa lang ito sa mga honeymoon na balak nilang gawin sa mga susunod na panahon, lalo na kung tapos na ang pandemya.

“With you time stands still my love,” ang say ni Chard habang nilalantakan ang mga labi ni Sarah.

Well… (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.