Una sa Balita

Richard pinaiyak si Annabelle

By
0 936

abante-paistaran-dondon-serminoDumalaw ang isa sa bituin ng MMFF film na “Fantastica” na si Richard Gutierrez sa “Magandang Buhay” at pinag-usapan doon ang kanyang buhay bilang ama at pagiging anak sa kanyang mga magulang.

Nakakatuwa dahil kitang-kita na mature na si Richard at seryoso siya sa pagbuo ng kanyang pamilya kasama ang fianceé na si Sarah Lahbati at kanilang dalawang anak.

May pa-test naman ang momshies kung gaano nga ba magkakilala sina Richard at kanyang inang si Annabelle Rama at in fairness, nakuha niya halos lahat ng tamang sagot.

Nakakatawa naman nang sabihin ni Richard na masaya na ang kanyang ina sa simpleng paglam­bing, pero ang sagot naman ni Annabelle, natutuwa siya sa mga bag na ini­reregalo sa kanya ng mga anak.

Pigil na pigil naman si Annabelle sa kanyang sweet message para sa anak, “Chard, sana ‘wag kang magbabago maski meron ka nang pamilya. Message ko sa’yo just in case mag-isip ka na manahimik sa buhay mo, nandito lang ako.”

Kita rin kay Richard na naluluha siya at lubos ding nagpa­salamat sa kanyang ina na through the highs and the lows daw ay nakasama niya.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy