Una sa Balita

Richard nakatutok sa mga seksi, magagandang dilag

By
0 2,621

Sinamahan ko si Richard Gutierrez sa ABS-CBN noong isang gabi (kasama rin namin ang nanay niyang si Annabelle Rama) at nakakatuwa na halos lahat ng makasalubong namin ay kino-congratulate siya dahil sa malaking tagumpay ng nagtapos nilang fantaserye nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, ang La Luna Sangre.

Matunog na ‘Supremo’ pa rin ang tawag ng marami kay Richard.

Sa production office naman ng Kapamilya network, kinongratulate nila ang lovey-dovey ni Sarah Lahbati dahil sa napakalakas na finale episode ng La Luna Sangre.

Nakakuha nga ng 40.2% nationwide ratings sa Kantar Media ang finale episode nila samantalang 15.2% lang ang Kambal, Karibal ng GMA 7. Kahit sa AGB Nielsen ay nakakuha sila ng 13.4% compared sa 8.7% rating ng katapat nilang show.

Samantala, natuwa si Richard sa pagbisita niya sa production office ng Kapamilya network dahil nakilala niya ang ilang mga boss doon.

Marami rin ang nagkaroon ng pagkakataon na makapagpa-picture kasama si Richard dahil minsan nga lang siyang nakakapunta sa production office ng ABS-CBN.

May ibang mga taga-production din ng Kapamilya network ang tinatanong siya tungkol kay Sarah lalo na kung kailan manganganak ang aktres at ang sagot sa kanila ni Richard, “In two weeks.”

Expected nga ni Sarah ang second baby boy nila ni Richard ng mga katapusan ng March, pero puwede rin daw na mag-first week ng April bago siya manganak.

Samantala, tutok ngayon si Richard sa nalalapit na Binibining Pilipinas 2018 coronation night sa March 18 kung saan silang dalawa ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ang magho-host. Of course, excited si Richard na magkatrabaho silang dalawa ni Pia.

Geoff nag-i-enjoy kay Baby Simone

Sa presscon ng Contessa, ang bagong afternoon series ng GMA 7 at papalit sa timeslot ng Ika-6 Na Utos simula sa March 19, kinumusta ko kay Geoff Eigenmann ang anak niyang si Arabella Simone.

“She’s okey. Six month na,” ang nakangiting sagot ng aktor.

Sa tanong ko kung wala ba silang balak ng girlfriend niyang si Maya na sundan kaagad ang first baby nila, sinabi ng aktor na gusto muna nilang i-enjoy si Arabella Simone dahil maliit pa nga ito.

Samantala, marami naman ang natutuwa sa pagiging fit na naman ngayon ni Geoff.

Nagkaroon din ng weight problem si Geoff nang naging very obvious ang kanyang pagtaba, pero nagawa rin niyang makapagbawas ng timbang at ngayon nga ay leading man uli siya sa Contessa.