Richard Mundo magaling na photographer sa Pampanga

Isang magaling na photographer si Richard Mundo, 45, at kilala bilang Kardong Kodakero. Siya ay pinanganak at lumaki sa Surigao del Sur ngunit ngayon ay naninirahan sa Pampanga. Panganay sa siyam na magkakapatid. Siya ay nag-aral sa Systems Plus Computer College sa Angeles City sa kursong Computer Engineering.
Taong 1995 nung lumipat sila ng kanyang pamilya sa Pampanga dahil nakapagtrabaho ang tatay niya sa TIPCO , isa sa pinakamalaking paper mill sa Asya. Dito na siya nakapagtapos ng pag-aaral at nagtrabaho. Dito na rin niya nakilala ang kanyang maybahay na si Josephine, at nabiyayaan sila ng isang anak na si Sophia Marie.
Taong 2008 ay nagdesisyon siyang magtrabaho sa ibang bansa bilang office worker at doon niya nakasalamuha ang mga kababayan nating Pilipino na nakahiligan ang potograpiya bilang libangan. Noong una nag-aalinlangan siyang makilahok sa mga ito dahil na rin sa may kamahalan ang mga gamit sa photography. Mahal ang mga camera at lenses ngunit nagawa naman niyang makabili ng mga ito. Sa kalaunan ay napasama na rin siya sa grupo at doon nalaman niya na nakaka-enjoy din pala ang pumitik. Simula noon ay sumali na din siya sa ibat ibang photography groups, tulad ng Dubai Lensmen, Litrato group, at iba pa. Nakikilahok na din siya sa mga funshoots, at uma-aattend ng mga workshops at seminars upang lalong lumalim ang kanyang mga kaalaman sa photography. Ganoon na din sa panonood sa YouTube at online research para mas lalong mapalawak pa ang kanyang kaalaman.
Isa sa mga iniiidolo niyang photographer ay si Erich Caparas. Noong nagtatrabaho pa lamang siya Dubai nakita na niya ang mga gawa ni Erich. Sa sobrang pagkamangha sa galing ng kanyang idolo ay pinilit niyang makagawa ng paraan para maturuan ni Eric si Kardong Kodakero. Kaya naman naisip niyang mag-organisa ng Photography workshop. Ang workshop ay na sponsor ng isang Jordanian Business consultant at trainor na si Sammy Douglas. Dahil dito ay nagawa naming maipakita ang mga likha ni Erich Caparas sa Gitnang Silangan.
Pinalad siyang magkaroon ng pagkakataon makuhanan ang obra ng mga magagaling na creative artist na mga tulad nina Derek Maniego, Isang magaling na costume designer at prosthetics artist, Saud Al Hassani at Sumi Aya Professional Cosplayers ng Middle East, Micheal Conde at Nelson Demate Wedding Designers at costume designer sa Dubai. Nailatha din siya sa The Filipino Times Dubai sa ” Through the Lens” na column ni binibining Anne Lore Santos. Gayundin sa Cosplay Middle East sa ginawa nilang photoshoot ni Sumi Aya at Saud Al Hassani. Pinalad din siyang nasama sa 2018 Calendar ng Splash UAE, isa sa pinakamalaking Fast Fashion Retailer sa Gitnang Silangan.
Nobyembre 2019 napagdesisyUnan na niyang tuluyan nang mamalagi sa Pilipinas. Ngunit hindi naging maganda ang pangyayari dahil sa pag hagupit ng pandemya ng Covid 19. Hindi naman nagtagal at nitong huling taon lang ay nakilala niya Sheralene Shirata-CEO ng Lens Image Factory at napabilang siya sa team ng Lens Image Factory kung saan ay kasalukuyan siya ay isa sa partner photographers ng Studio.
Bilang photographer at artist, gusto niyang palawakin ang imahinasyon sa pamamagitan ng potographiya. Kung saan pwede mong gawing prinsesa, diwata, dyosa, mandirigma o super hero ang iyong modelo. Ang pagkuha ng litrato ay isa ding artistic expression ng litratista.