Una sa Balita

Richard komportable sa kalandian, kalokohan ni Vice Ganda

0 556

abante-anything-goes-jun-lalinFinally nakapag-shooting na last Tuesday for ‘Fantastika, The Princesses, The Prince and The Perya’ si Richard Gutierrez.

Ang shooting ng nasabing pelikula ang dahilan kung bakit hindi siya pinayagan ng mga taga-Star Cinema na tanggapin pa ang isang TFC (The Filipino Channel) show sa San Francisco, California.

Actually, noong dumating si Richard ng bansa last Sunday, nagpahinga lang siya sandali sa bahay at nakipag-bonding kina Sarah Lahbati, Zion at Baby Kai at dumiretso na siya sa fitting ng costume para sa Metro Manila Film Festival 2018 entry ng Star Cinema at Viva Films.

“Excited din ako for the movie, kaya okey lang na nag-fitting ako kaagad dahil Tuesday na nga ‘yung first shooting day ko,” sey ni Richard nang makatsikahan ko after ng fitting niya.

Noong Tuesday nga, kahit inulan sila sa shooting, natapos naman daw ang lahat ng mga eksenang dapat nilang kunan that day.

“Medyo hassle rin ‘yung ulan, pero natapos naman lahat ng mga eksenang dapat kunan that day. Saka ang saya sa set. Tawa ako nang tawa kay Vice (Ganda). Ang sayang kasama ni Vice sa shooting. Kahit natitigil kami dahil sa ulan, hindi naman nakaka-bore dahil patawa nang patawa si Vice.

“Nawala nga ang jet lag ko sa sobrang sayang kasama ni Vice. Lahat, tawa lang nang tawa sa set. Ang saya-saya naman. Ang saya ng set.

“Sa sobrang tawa ko nga, parang hindi ako nahirapan sa first few scenes ko. Saka nakakasama na rin naman namin si Vice sa mga event at parties, kaya comfortable na akong kasama siya.

“Masaya talaga si Vice, kaya masaya ang movie namin!” dialogue pa ni Richard.

Hindi pa nga lang puwedeng magkuwento ng tungkol sa mga eksenang kinunan nila last Tuesday at hindi rin daw puwedeng i-share pa ang mga picture na naka-costume siya dahil sa December 25 pa nga ipapalabas ang Fantastika, The Princesses, The Prince and The Perya.

Noong Wednesday nga na kakuwentuhan ko si Richard, natatawa pa siya sa mga eksena nila ni Vice na kinunan noong Tuesday.

“Kinuwento ko nga kay Sarah, pati siya, natatawa sa kuwento ko. Pati nga siya, excited nang mapanood ang movie,” sabi pa ng aktor.

Si Annabelle Rama nga, tinawagan pa ako noong Wednesday para magkuwento ng mga ikinuwento sa kanya ni Richard.

“Tita, alam ko na, nagkuwento na si Chard. Nakakatawa nga raw,” sabi ko naman kay Bisaya at sinabi niyang, “Tawa rin ako nang tawa sa mga kuwento ni Chard. Buti na lang kahit inulan-ulan sila, masaya pa rin sila after the shooting dahil nakakatuwa ‘yung mga eksenang kinunan nila.”

Sabi nga pala ni Richard, he can’t wait for his next shooting day with Vice dahil nga masaya raw katrabaho ang comedian/TV host.

In between shootings nga pala ng nasabing MMFF 2018 movie, nagpa-practice na rin si Richard para sa All Star Game 2018 ng Star Magic na co-manager na ni Bisaya sa career ng anak.

Magkakampi nga si Richard at Daniel Padilla sa Team Red at kasama rin sa nasabing basketball team sina Ejay Falcon, Ronnie Alonte, Vin Abrenica, Axel Torres, Jon Lucas at iba pa.

Noong Wednesday night, sumali na nga sa practice si Ri­chard, pero wala naman daw si Daniel dahil nasa shooting ng ‘The Hows Of Us’ movie with Kathryn Bernardo.

Sayang nga raw at matagal na silang hindi nagkakasama ng panganay ni Karla Estrada dahil noong on-going pa ang ‘La Luna Sangre’ at magkasama sila sa set ay palagi silang magkakuwentuhan at naging magkabarkada na nga.

“Pero may ibang schedules pa naman kami ng practice bago ang actual game namin on August 19,” sabi ni Richard.

Medyo nanibago si Richard sa practice nila noong una, pero habang nagtatagal daw, okey na uli ang pagba-basketball niya.

Actually, bago ang practice nila that night, nag-training muna sa gym ang aktor para magpakondisyon.
Hopefully, manalo sila sa game sa August 19 ng 3:00PM sa Smart Araneta Coliseum.

Sabi ni Richard, manonood ng nasabing basketball event sina Sarah at Zion, pati ang Gutierrez family bilang support sa kanya.

Nang ikuwento nga raw niya kay Zion ang nasabing basketball game at excited na kaagad ang kanyang panganay na panoorin at mag-cheer para sa kanya.

Ang team nina Gerald Anderson ang makakalaban nina Richard, Daniel.