Una sa Balita

Richard kabado sa Florida concert with Jessica Sanchez

0 1,947

abante-anything-goes-jun-lalinAs you read this, nasa Los Angeles, California na kami ni Richard Gutierrez waiting for our Orlando, Florida flight para sa ‘Sama Saya Kapamilya’ ng TFC (The Filipino Channel) kung saan ay makakasama niyang mag-show si Jessica Sanchez on July 28 sa Osceda Heritage Park (Exhibition Building) sa Kissimmee.

Bale part sila ng Fiesta Mo sa Florida 2018 ng Fil-Am Movement, Inc. na iho-host naman ng former actor na si Lee Robin Salazar at former TV Patrol showbiz reporter na si Ginger Conejero.

Biniro ko nga si Richard na level-up na siya dahil si Jessica na ang makakasama niyang ‘mag-concert’ for TFC at tawa lang siya nang tawa.

“Mami-miss ko sina Sarah (Lahbati) and the kids (Zion and Baby Kai). Sayang, hindi ko naman sila puwedeng isama dahil work ang pupuntahan ko sa Florida,” sabi ni Richard.

Baby Kai mahilig magpa-video

Actually, after almost 19 years nga, makakasama ko uli si Richard sa Orlando dahil the first time na nagkasama kami roon ay noong December of 1999 para sa Disney’s Countdown to the New Millennium na ang nag-host ay ang kanyang ate na si Ruffa Gutierrez.

Sabi ni Richard, sana next year ay makabalik siya uli ng Orlando kasama na sina Sarah, Zion at Baby Kai para makapunta rin sila sa Disney World.

Noong 1999 kasi, sobrang nag-enjoy roon si Richard kasama ang kanyang mga kapatid at magulang dahil that time ay teenager pa lang sila nina Raymond at Elvis.

Anyway, like Zion nga pala, marami rin ang enjoy na enjoy sa tuwing pino-post nina Richard at Sarah ang bunso nilang si Baby Kai sa kanilang mga social media account.

Enjoy ang mga follower nila dahil masayahing baby raw ang kanilang bunso. Nakaka-GV (good vibe) ‘yung mga video ni Baby Kai na tawa nang tawa.

At four months, parang alam na nga ni Baby Kai kapag nakatutok sa kanya ang phone nina Richard at Sarah para kunan siya ng video o picture para i-post sa kanilang social media account.

Feel ko nga, like his Kuya Zion, magiging sobrang bibo rin itong si Baby Kai kapag medyo lumaki na!

Anyway, going back to Ri­chard’s TFC show sa Florida, aba, panay ang paalala ni Lea Cal­merin, ang line-producer ng Metro Manila Film Festival 2018 official entry na Fantastika, The Princesses, The Prince and The Perya na hindi puwedeng mag-extend ang lovey-dovey ni Sarah dahil kailangan na raw niyang mag-shooting.

Coney nai-excite sa ‘Magtanggol’

Natuwa naman ako nang makita si Coney Reyes noong Monday night sa presscon ng Victor Magtanggol ng GMA 7. Nang makita naman ako ng veteran actress, talagang buong ningning na nag, ‘Jun… Jun Lana’ siya, huh!

Oh, my gosh, siyempre, nag-dialogue kaagad ako ng, “Tita Coney, Jun Lalin po! Hindi po ako direktor, how I wish! Hahaha!”

Very apologetic naman si Tita Coney at na-realized ang pagkakamali niya.

Sabi ko naman sa ve­teran actress, okey lang, at least, napagkamalan niya akong direktor, huh!

“Don’t worry, palagi namang may nagkakamali!” sey ko at tawa na lang nang tawa si Tita Coney.

Anyway, excited daw si Tita Coney sa bago niyang show sa GMA 7!