Una sa Balita

Richard ititigil ang MMFF shooting dahil sa bagyo

0 393

abante-anything-goes-jun-lalinKahapon ay nakatsikahan ko si Richard Gutierrez at ‘yung nakaraan nilang vacation sa Siargao nina Sarah Lahbati at Zion ang topic ng usapan namin. Enjoy nga kasi sila roon.

Sabi ni Richard, basta wala raw trabaho o may break siya sa shooting ng “Fantastika, The Princesses, The Prince and The Perya” ay type niyang maulit ‘yon. Gustong-gusto kasi nila ang island life.

Pare-pareho nga kasi silang mahihilig mag-beach. Sa isang taon nga, kahit hindi ­summer, nakakailang punta sila sa beach at sobra nilang nae-enjoy ‘yon.

Natuwa nga pala ako kay Richard dahil habang kakuwentuhan ko siya tungkol sa kanilang Siargao trip ay tinanong niya ako kung kailan ang balik ko sa bansa at nang sabihin ko na balak ko na mag-rebook at bumalik na kaagad, sinabihan niya ako na huwag muna dahil may parating daw na malaking bagyo.

Si Richard pa nga mismo ang nagpadala sa akin ng details tungkol sa sinasabing malakas na bagyo na padating sa atin.

Sabi nga niya, baka nga raw hindi rin matuloy ang ibang shooting nila para sa Vice Ganda movie na ginagawa niya dahil sa bagyong ‘yon.

Anyway, isa rin si Richard sa maraming nagdarasal na sana ay hindi matuloy ang sinasabing super typhoon na ‘yon!

 

Donita, Karla friendship goals

Katuwa naman ang friendship nina Donita Rose at ­Karla Estrada. Sa video greeting kasi ni Karla sa guesting ni Donita sa online show ko na “Anything Goes” (mapapanood sa Facebook account ng Abante News Online), sinabi ng nanay ni Daniel Padilla na kahit hindi sila madalas na magkita ni Donita, kahit taon pa nga kung minsan, nananatili raw ang pagiging friends nila dahil isang mabuting tao si Donita at maka-Diyos pa. And like Ruffa Gutierrez pala, ninang din ni Daniel si Donita.

Sabi pa ni Karla, wini-wish niya na lalo pang gumanda ang career ni Donita at any time nga raw na kailanganin siya ng kanyang kumare ay mag-text lang ito at sa kahit na paanong paraan ay handa itong dumamay kay Donita. Sabi pa ni Karla, she will always be there for Donita!

Actually, sa tuwing nakakatsikahan ko naman si Donita at napag-uusapan namin si Karla ay palagi niyang sinasabi na happy siya para sa success ng kanyang kumare. Isa rin si Donita sa nagsasabi kung gaano kabait na kaibigan si Karla.

Kahit nga raw sobrang successful ngayon ni Karla ay hindi nagbabago ang friendship nila. Wow, at least, ­patunay ‘yan na may mga totoong friendship pa rin sa showbiz, ‘noh?!

 

Jojo Alejar hanggang kili-kili lang ni Mariel

Si Mariel de Leon kasama si Jojo Alejar ang mga host ng Mrs. Universe Philippines kamakailan sa Resorts World Manila. In fairness, marami ang pumupuri sa kanila.

Sabi ni Mariel, sobrang enjoy siya sa hosting sa beauty pageant na ‘yon na big winner si Patricia Javier. Naaliw nga lang ako sa komento ng isang nakatsikahan ko.

Ang tangkad daw kasi ni Mariel at parang hanggang sa kili-kili lang niya ang taas ng co-host niyang si Jojo. ­Hahaha!

Pero magaling namang host si Jojo kahit maliit siya, huh!