Una sa Balita

Richard happy sa pagiging daddy, thankful sa Abante

By
0 260

Alam ni Richard Gutierrez kung gaano ka-important sa akin ang Abante News Online show ko na “Anything Goes,” kaya naman isang sabi ko lang sa kanya na mag-guest para makapag-promote na rin ng Metro Manila Film Festival 2018 official movie entry ng Star Cinema at Viva Films, ang “Fantastica”, nag-yes kaagad siya sa akin.

Ang calltime na sinabi ko sa kanya ay 12:30PM, pero wala pang 12:00 noon, nasa Abante office/studio na siya.

Ayaw raw niyang ma-late dahil live nga ang “Anything Goes” episode ko last Wednesday.

Lahat nga raw ng schedules niya noong araw na ‘yon ay kinansel niya dahil sa guesting sa Abante News Online.

“Nagulat nga ako ngayon mo lang ako inimbita, nauna pa sina Raymond (una kasing nag-guest ang twin-brother niya, then si Sarah at ang ate nilang si Ruffa Gutierrez),” ang opening line ni Richard.

Isa sa mga napagkuwentuhan namin sa gues­ting niyang ‘yon ay ang tungkol sa Christmas gifts.

Simula nang magsama na sila ni Sarah, sila kasi mismo ang namimili ng Christmas gifts na ibinibigay nila sa mga taong importante at nakatulong sa kanila.

 

Chard, Sarah, Zion movie inaabangan ng mga fan

Kahit sa household helps sa kanilang bahay, pati na rin sa family house nila sa White Plains, sila ni Sarah ang namimili mismo.

Madalas na nanghihi­ngi sila ng “wish list” ng mga taong ‘yon, pero this time, maaga na raw silang namili.

Sunod-sunod din kasi ang mga promotion ni Ri­chard ng Fantastica, kaya maaga na nilang ginawa ang kanilang gifts shopping at nakapag-gift wrap na rin sila.

This Christmas nga, dahil na rin sa Fantastica kung saan ay kasama niya for the first time ang kumpare ni­yang si Vice Ganda, excited si Richard na makasama ulit sa filmfest parade sa December 23 at maka-attend ng MMFF 2018 Awards Night.

“Excited na excited ako for Fantastica. Nang malaman ko na may offer nga sa akin na Metro Manila Film Festival movie at kasama ko pa si Vice, game kaagad ako! Full comedy pa ito at pang-Pasko at pambata pa, kaya excited ako,” sabi niya.

Nagtanong din ang isang online viewer­ kung kailan naman sila gagawa ng movie­ ni Sarah Lahbati at sana nga ay kasama rin ang panganay nilang si Zion?

“Talaga? Family movie na ‘yon. Sana nga mangyari ‘yon,” sabi niya na dinugtungan na slowly getting back sa da­ting figures nito si Sarah.

Nabanggit nga niya na, “Nasa gym kami almost every day.”

“Sana nga magsama kami sa movie ni Sarah. Sa Star Ci­nema,” sabi niya at pinasok ko na ang phone-patch ng kanyang lovey-dovey.

Sa phone-patch na ‘yon ni Sarah ay napag-usapan din namin ang pagiging hands on nila sa mga anak na sina Zion at Baby Kai.

Hindi lang kasi si Sarah ang nag-aalaga sa mga bata, pati si Richard ay nag-aalaga rin sa mga ito.

“Alternate kami ni Sarah sa pag-aalaga sa mga bata,” sabi ni Richard.

Sobrang sarap nga raw na maging Dad, kaya halos hindi na raw umaalis ng bahay ang aktor kapag may free day siya.

“Kahit sa maliliit na activities ni Zion sa school, pupunta talaga si Chard,” sabi pa ni Sarah.

 

Nami-miss si Raymond

Binanggit ni Richard na nami-miss niya ang twin-brother niya na temporary ay based ngayon sa Los Angeles, California, pero almost every day or every other­ day naman silang nag-uusap.

“Almost every day or every other day, nagkukumustahan kami. Siyempre, nami-miss ko siya. Ma­raming taong nakaka-miss sa kanya dahil nag-decide siya na pupunta siya ng States for a few months. Pero more than anything, I’m proud and happy for him dahil he has the courage na pumunta sa States at i-try niya roon,” sabi ni Richard.

Siyempre, may live phone-patch din si Raymond sa guesting na ‘yon ni Richard at nagkumustahan ang twins.

Napag-usapan namin ang tungkol sa pagiging masyadong concern ni Richard kay Raymond dahil mag-isa lang ito sa L.A.

Sabi ni Raymond, “I appreciate the concern. Siyempre si Chard, even if we’re twins, he’s always like a older­ brother, ganyan palagi ang role niya sa life namin. Ako naman, I appreciate that because life in the States is not as easy as it is in the Phili­ppines especially for us, ‘di ba? ‘Yung concern ni Chard na ‘yon, siyempre, valid naman.

“Thank you Chard for the concern!” sabi pa ni Raymond sa kanyang twin-brother.

Binanggit nga ni Richard­ na first time talaga na magtagal ni Raymond sa Amerika na walang kasamang dri­ver, alalay. “At ang dog niya na mahal na mahal niya na wala doon…” na dinugtungan ni Raymond ng, “Nami-miss ko talaga ang dog ko na si Presley.”

At heto ang masasabi ni Richard tungkol sa mga trabaho ngayon ni Raymond sa Hollywood para sa E! Asia (nauna na ang People’s Choice Awards kung saan ay kinunan nila ang red carpet event).

“Siyempre, congratulations Mond, you deserve all the blessings. I know you work hard, you sacrifice so much to be where you are right now. I’m proud of you that you’re doing very well and you have the courage to go to the States and leave there all by yourself. So, all the best and I’ll see you for Christmas,” message ni Richard kay Raymond.

Pinasalamatan naman ni Raymond si Richard at sina­bing it’s not easy, pero kailangan nga raw niyang i-follow ang kanyang dream.

 

Excited na kay Bea Alonzo

May nagtanong na nagwa-watch online kung kailan ang next project niya at binanggit na nga niya ang action-drama series na pagsasamahan nila ni Bea.

Nai-announce na rin naman ng Star Crea­tive group ng ABS-CBN, kaya briefly ay napag-usa­pan namin ang project na ‘yon na mapapanood ngayong 2019 sa primetime ng Kapamilya network.

“That’s so exciting dahil ngayon lang kami magkakasama ni Ms. Bea Alonzo. At alam naman natin na isa siya sa mga mahuhusay na­ting artista today, so I’m excited about that project,” sabi ni Richard.

Pinasalamatan din ni Ri­chard ang Abante management and editorial group sa pagiging supportive sa kanya at sa kanyang family.

Maituturing ngang Abante babies ang pamilya Gutie­rrez at proud sila sa bagay na ‘yon!

 

 

Annabelle over protective sa mga apo

May pa-VTR message rin si Richard­ mula sa nanay niyang si Annabelle Rama.

Sa VTR na ‘yon ay sinabi ni Bisaya na nami-miss niya ang kanyang mga apo na sina Zion at Baby Kai.

Natawa si Richard at sinabing, “Parang three days pa lang sila na hindi nakikita, pero parang three months na sa pagbati ni Mom sa video. Noong isang araw lang nandoroon siya sa bahay (namin ni Sarah),” na dinugtungan ko naman na parang siya rin naman na ilang araw lang na hindi makita ng kanyang nanay ay parang sobrang miss na miss na nito kapag magkausap sila.